Ang "Filibusterismo" (karugtong ng Noli me tangere)/3

Ang "Filibusterismo" (karugtong ng Noli me tangere) ni Jose Rizal
Salin ni Patricio Mariano. Limbagan at Aklatan ni I. R. Morales, (1911)
356164Ang "Filibusterismo" (karugtong ng Noli me tangere) ni Jose RizalSalin ni Patricio Mariano. Limbagan at Aklatan ni I. R. Morales, (1911)


bapor Tabo ay tamad, masuwayin at masumpungin: si aling Victorina, na gaya ng karaniwan ay napakamasindakin, ay nagtutungayaw sa mga kasko, banka, balsa ng niyog, mga indio na namamangka at sampung mga naglalaba at nagsisipaligo na kinayayamutan niya dahil sa pagkakatuwa at kaingayan! Siya nga naman, kung walang mga indio sa ilog at sa bayan ay bubuti ang lakad ng Tabo, oo! kung walang isa mang indio, sa mundo: hindi niya napupunang ang mga tumitimon ay pawang indio, indio ang mga marinero, indio ang mga makinista, indio ang siyam na pu't siyam sa bawa't isang daang sakay at siya man ay india rin kung kakayurin ang kaniyang pnlbos at huhubaran siya ng ipinagmamalaking bata. Nang umagang iyon ay lalo pang namumuhi si aling Victorina dahil sa hindi siya pinapansin ng mga kalipon, at dapat nga namang magkagayon, sapagka't tignan nga naman ninyo: magkalipon doon ang tatlong prayleng nananalig na ang boong mundo'y lalakad ng patiwank sa araw na sila'y lumakad ng matuwi'd: isang walang pagal na D. Custodio na payapang natutulog. na siyangsiya ang loob sa kaniyang mga munakala; isang walang pagod na manunulat na gaya ni Ben-Zayb (katimbang ng Ibanez) na nag-aakalang kung kaya't may nag-iisip sa Maynila ay sa dahilang siya'y nag-iisip; isang eanonigo na gaya ni P. Irene na nagbibigay dangal sa mga pari dahil sa mabuti ang pagkakaahit ng kaniyang mukhang kinatatayuan ng isang ilong hudlo at dahil sa kaniyang sotanang sutla. na mainam ang tabas at maraming botones; at isang mayamang mag-alahas na gaya ni Simoun na siya manding ta- nungan at nag-uudyok sa mga galaw ng Capitan General; akala^n nga ba namang magkatatagpo ang mga haliging ita na sine guibus non ng bayan, magkapipisan doon at maligayang nag-uusap, na hindi nabibighaning malugod sa isang tumakwil sa pagkapilipina, na nagpnpula ng buhok, ibagay ng sukat makabugnot sa igang Joba ! pangalang ikinakapit sa sarili ni aling Victorina kailan ma't may katungo.

At ang pagkayamot ng babai'y nararagdagan sa bawa't pagsigaw ng Kapitan ng: baborp! estriborp!, bubunutin ng mga marino ang kanilang mahahabang tikin at isasaksak sa isa't isang gilid at pinipigil sa tulong ng kanilang mga hita t balikat na masadsad sa dakong iyon ang bapor. Kung susu-