300237Ang BatoJosé Corazón de Jesús

Tapakan ng tao sa gitna ng daan
kung matalisod mo’y iila-ilandang;
nguni, pagkatapos pag ikaw’y namatay,
bato ang tatapak sa bangkay mo naman.

Batong tuntungan mo sa pagkadakila,
batong tuntungan ka sa pamamayapa;
talagang ganito…Sa lapad ng lupa,
ay bali-baligtad lamang ang kawawa.

Balot pa ng putik, marumi’t maitim.
tinapyas at aba!…brilyanteng maningning…
Sa putik man pala ay may bituin din
na hinahangaan ng matang titingin.

Maralitang tao, batong itinapon,
sa lusak ng Palad ay palabuy-laboy…
Nag-aral at aba!…noong makaahon,
sa mahirap pala naro’n ang marunong!

Ang batong malaki’y madaling mabungkal,
ang batong brilyante’y hirap matagpuan;
ubod-laking tipak, mura nang matimbang,
ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal.

At tunay nga naman! Madalas mamalas
sa alimasag man, ang malaki’y payat;
may malaking kahoy na sukal sa gubat,
may mumunting damong mga ugat ay lunas.


This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
  • It is an anonymous or pseudonymous work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is an audiovisual or photographic work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is a work of applied art and 25 years have passed since the year of its publication
  • It is another kind of work, and 50 years have passed since the year of death of the author (or last-surviving author)