Ang Halik ni Ina (1915)
by Pascual de Leon
300833Ang Halik ni Ina1915Pascual de Leon

Ang mata ni ina’y bukalan ng̃ luha
Kung may dala-dalang damdamin at awa,
Ang lahi ni ina’y sampagang sariwa
Na may laging laang halik at kaling̃a.

Sa halik ni Ina ay doon nalagas
Ang tinik at bulo ng̃ musmos kong palad,
Sa halik ni ina’y aking napagmalas
Na ako’y tao na’t dapat makilamas.

Ang bibig ni inang bibig ng̃ sampaga’y
Bibig na sinipi kina Clara’t Sisa
Kaya’t mayrong bisang kahalihalina.

Ang halik ng̃ ina’y apoy sa pagsuyo,
Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso’t
Liwanag sa mg̃a isipang malabo.


This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
  • It is an anonymous or pseudonymous work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is an audiovisual or photographic work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is a work of applied art and 25 years have passed since the year of its publication
  • It is another kind of work, and 50 years have passed since the year of death of the author (or last-surviving author)