Ang Katam at Ang Kikil
Katam:
Tingnan mo nga ito
aking napapantay
ang tabla sa salas, ang baytang sa hagdan,
sa kinatam-katam pati durungawan
kuminis sa aking talim sa katawan.
Kung sa lagari lang ako ay mabuti,
sapagkat tanungan ako ng anl’wage;
ang aking patalim, kahit sa mulawe,
bako-bakong tabla’y aking nabubuli.
Ang mukha ng kahoy na tadtad ng uod
napakikinis ko sa hinaplos haplos;
pag ako’y nawala dito sa sinukob
ay walang tahanan na mapapaayos.
Kikil:
Ikaw nga’y magaling Katam na katoto,
ngunit pag bakal na ang isang presidyo,
kahit napipiit pag ginamit ako
ang aping bilanggo’y napawawalan ko!
This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
|