Ang Mga Kamay Mo
Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis
Sa mg̃a kamay mong biluga’t nilalik,
Garing na mistula sa puti at linis,
Sa lambot ay bulak, sa ganda’y pagibig.
Ang mg̃a daliring yaman mo’t biyaya
Ay di hugis tikin, ni hubog kandila;
Ang ayos at hugis ay bagay at tama
Sa sutla mong palad na laman ng̃ diwa.
Ang makakandong mo’t maaalagaan,
Ang mahahaplos mo’t mahihiranghirang,
Ang kahit patay na’y muling mabubuhay.
Mahagkan ko lamang ang iyong daliri,
Sa kapwa makata, ako’y matatang̃i
At marahil ako’y isa na ring Hari.
This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
|