Ang Panday (Cirio H. Panganiban)
Alulusan muna ang unang narinig
Na yaong hininga ay iniihip;
Saka sa palihan na dating malamig
Ang bakal at apoy ay tumitilamsik.
Bakal ay nagwika: anggulan ng palad,
Panday, gawin akong tabak na makislap;
Kung ako’y tabak na’t dumating ang oras,
Itaas mo ako’t ihawi ng kidlat…
Sa bayo ng maso’t sa tulo ng pawis
Ang mapulang bakal ay napaninipis,
Bago maging tabak ng aping matuwid…
Hinagkan ng panday ang panyong watawat,
Tabak ay kinuha’t ang sabing malakas:
O, ang aking laya, o laya ng tabak…
This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
|