Banaag at Sikat/Kabanata 1
Sa Batis ng Antipulo
–Kailan man pông nagpakárami - rami ang taong umahon dito ay di gaya ngayón - anáng isáng taga - Antipulo sa iláng taga - Maynilang nanunuluyan sa kanyang bahay . - Palibhasà pô , bukod sa pagkakasunog na nangyari , itóng aming baya'y nasalantâng totoo at nagpakadáli - dálitâ , sanhi sa mga nagdaáng guló sa kastilà at lalò na sa amerikano . Awà na pô sa amin ng Milagrosa Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje ang pagkaka- pistá sa taong itó ng lubhâng masaya ! Nguni't ang lalò pông matao ngayon ay ang mga páliguáng batis ..
Humigít kumulang sa katotohanan , ang ganitong sabi ng taga - Antipulo ay siyá rin namáng nápuná at nasasabi - sabi ng maraming nagsiparoón , mulâ nang mga una pang araw ng Mayo hangang nang mga huli ng Hunyo ng 1904 .
Pagsampalataya man ó pagkaigaya lamang ang nakapag- úudyók sa halos boông Maynilà at sa mga kun tagá - tagasaáng lalawigan , na magsiahon doon , ay dî maikákaít na warìng may mahiwagang bató - balanì , na , tubò at tanyág sa kagulurang yaón , ay nagiging kabighá - bighanì at masidhing panghalina sa lalong malalamíg na pusò at sa lalong malalalim na supot .
Bagaman ang pananampalataya sa mabisà at mapaghima- lâng tubig - Antipulo ang siyáng dî maitátakwil na unang umakit sa mga maysakít na ibig gumaling sa pagpaligò ; dátapwâ , ngayón ay malamang na ang idinádayo dahil sa lamíg at linaw na lamang ng tubig at sa kasaganàan ng mga ligayang doo'y natítipong parati , kay sa dahil yao'y mga tubig na " pinaghihimalaán ng Inang Birhen . " Hindi na ngayon kagalang - galang na gaano ang mga batis ; hindî na pinakaáaring lunas ng mga kálulwáng nakákamandagán ng sala ... Mahanğà'y madalás na lamang magíng saksí ng mga kalihiman ng pusò ng isáng dalaga , ng mga kapangahasan ng matá ng isang binatà at ng kaparanga- lanán ng mga hiyás ng katawán at damdamin ng loob ng isa't - isa .
" Maligò sa batis " ay dî na kasabiháng gaano sa Antipulo kun ibig ipahayag ang nasàng " magpagaling ng sakit , " kundi ang " manood ng mga bit ùing palaboy ng langit . " Anopa't gaya na rin ng paggamit ngayóng karaniwan sa salitang " magsimbá , " upang masabi ang " manood ng lalòng magagaràng bikas at bihis . "
Sayang at ang nakátuklás ó nakapagpabisà sa mga tubig na yaón , ay dî yatà nakátanáw muna sa dakong Kanluran , sana'y nahiwatigan man lamang niya , mulâ - mulâ pa , na katulad ng araw , ay lúlubóg din ang kanyang pag - asa na habang pana- hó'y pakikinabangan ang gayong pagpapasampalatayá , at disi'y naiwasan hangá't mangyayari , na ang mga batis ay maging páupahán na lamang ng bálana , upang gawing hálimuyakán ng pag - ibig , tagpuan ng mga anak ni Eba sa pagpitás ng mansanas , dáyuhan ng mga ganyák na loób at pánooran ng mğa matáng ... makasalanan .
–Nataasan ang panaginip ko !–ang patingalâ sa langit ay di sasalang masasabi ng tinurang nagpanukalà , kung buháy pa at nakikita ang mga inúugaling itó ngayón sa mapaghimalâ niyáng tubig .
Hindi íisá ang batis sa Antipulo . Dátapwâ , sa karamihan ng mga binúbukaláng yaón ng dalá - dalawá , apat - apat , waló- walóng kuwarta ó sikolo , ay may isáng nátatanging parati sa walâng hulaw na tao at sa pagka - maaliwalas .
Pag - ahon na sa hagdanang lupà , ay isáng palíkaw - líkaw na landás ang nagháhatíd ; sa pinto ng malawak na bakurang nakalilibid ay may pangbungad na salitâng BATIS , na yarì sa biyak - biyák , kinayas at pinag - ugpóng - ugpóng na mga siít ng sariwang kawayan , ay napapakò magkábilâng dulo ng bawa't titik sa dalawang punò ng bulak , na para namáng kusàng itina- ním na magkasiping , taáng pang - anyaya sa mga dayuhang maliligò .
Sa unang pagbungad ay dî malayòng máguní - guní ng isáng maalalahanín 6 masisindaking bagong - ahon sa Antipulo , na tila siya'y nakapasok na sa isang libingang katulad ng loobang yaón . Ang nagdukláy na sangáng masasangsáng ng mga punò ng tampóy , ang naghihitikan sa bungang mga punò ng kasóy , ang malalagong siko , ang malulusóg na saging , mabulo , duhat , makupa at bulak ; ang ilang pangbakod na punò ng kalyós , kahoy na umano'y siyáng " lunas na kinákagatán ng mga dagâ kung nakikipag - away sa mga ahas " ... lahát ng halamang yaón sa pagkakálagáy , lagô at kasariwàan , ay madídili - diling diwa'y pinatátabâ ng mga bangkáy na doo'y nálilibíng . Ang puntód- puntód na lupà , ang malalambâng damó at makahiyâng nála- latag saan mang dako , ay nagpapatibay pang warì ngâng yao'y báunan ng mga binawian na ng buhay . At yaóng na sa dakó-dakóng dulo ng looban , ga - isáng kamalig ó sagubáng na may- pakpák , sa malayòng tanáw , ay siyáng tila pinaka - kapilya . Sa kaliwa't kanan , dakong likurán ng kamalig , tig - isang may panambíl na barong - barong ang nangátatayô , lampás - tao ang taás , na sa ilalim ó lilim nila'y anyông may itinátagòng mga butó ó kalansáy ng nangasiràng " parì - kura , " " kápitán " ó ibá pang " mahál na tao " sa bayan .
Ang lahat ng ito'y sukat na dising magtibay sa gunitâ ng masisindaking bagong - pasok , kun sa paghanap ng kanyáng mğa matá sa ibabaw ó harapán ng kapilya ng isá man lamang munting krús , karaniwang tanda ng mga líbingan , ay dî niyá mátaunán ang isang umagang sari - saring kulay ng damit ng mga babayi ang sa loob ng kamalig ay nátatanáw , na nag - galáw at nagsalimbáy , samantalang may mga nagtayo at nag - upô mandíng mga lalaki namán . Mapuputi ang suót ng ibá , iba'y puláng - murà , puláng - apóy , at isá yaóng kulay dahong sariwà .
Naglilibing kayâ ? ... Sana'y luksâ ang mga damit nilá . Batà kaya ang inililibíng ? ... Nálalapít - nálalapít ang may sindák na nánasok , ay mapag - úulinig ang isang alingaw - ngáw ng sálitâang hindî lungkot ang higing , kundi isáng malakás na kátwâan . At sa agwát na mag - kákilalang mukha na , ay mababawing lubós ang pagguguni - guning yao'y libingan , sa pagkátanaw sa isáng langkáy ng mga limá ó anim na babaying naggagandahan , patakbóng nagsisilabás sa pinagkákatipunang loob ng tila kapilya , at unaháng nagpapásukang tuwang - tuwâ at nagtatawanan ng mabibining halakhák sa loob ng isá sa mğa bahay - bahayang nag - anyông taguán ng mga mahal na butó .
Hindi líbingan . Sa nayon ng mga bangkay ay dî pagka- kaingay at kasayahan ang harì . Ang kulabà sa matá ng nasok na matatakutín ay mahahawìng lubós sa mga gayóng námamalas at náririnig . Yaóng sangsáng ng tampóy at paghitik ng kasóy , yaóng lago at kasariwàan ng mga iba pang halaman , yaóng lambâ ng mga damó sa puntód - puntód na lupà , na nang unang pag- pasok ay naging tandâ ng kulay at amoy ng kapanglawan , ngayo'y naghihiwatig na ng saya at kasiglahán , ngayo'y nag- áanyaya hindî na ng pagluhà at pagdalangin sa mga patáy , kundi ng pananagano at pakikilugód sa mga dinatnáng kapwà taong buháy .
Isáng batis . Yaón ang isá sa mga páliguáng ipinagpa- rangalan ng maybahay na taga - Antipulo .
Sa maputlâng kulay ng umaga , ay ga - gasinulid manding sumásabát ang mga paták ng isang paambón - ambóng ulán . Araw niyón ng lingó , lingó ng ikalawang siyám ng pistá ; anopa't ang Mayo ay nagtátapós namán .
Kamalig na kugong may apat na sulok na parisukát ; gadi- páng pasibi sa kaliwâng panig at gatatlóng dangkál na panambíl namán sa tatló pang bálisbisan ; balag sa harapáng pulós na dahong tuyo ang nandadalang na habong ; isáng pagá - pagahang halos dikít na sa bubungán ng kamalig , táhanan ng may - arì ó bantay - batis , at kinásasandigán ng isang mahabang hagdanang kawayan ; sa gitnâ - gitnâ ng silong ng paga , isang lamesang kiná- papatungan ng ilang boteng may sari - saring kulay at lakí , na marahil ang mga lamáng alak ay dî na namán lálabis pa sa tatló ó apat na lasa ; iláng garapinyerang maylulang mga biskotso , karmelo at iba pang matamís , tatlóng lata ng sardinas na nag- kakapatong - patong sa ibabaw ng isá namáng lata rin ng manti- kilya ; isáng bila - bilauhan ng tinapay na pag nagkátao'y máti- tigás pa sa ulo ng may tindáng lalaking úbuhin at natútuyô ; isáng tabong makinis , dalawáng kahón ng tabakong isa'y tabako ngâ ang lamán at isa'y lágayan ng mga nápagbibilhán ; sa ilalim ng pasibi , manapát - napát sa bálisbisan , isáng papag namáng gawaan ng bálana ng isáng matandâng babaying ang ulo'y kasingkinis na ng tagungóng , maypusód warì ng abaká sa tuktók , na ga - gaipot ng manók ; sa silong ng balág - balagan ay isang babaying may kalong - kalong at pinas úsusong sangól sa haráp ng kalang pinaglúlutúan niyá ng mga butsé at maruyà ... ang lahát na ito ang tangì sanang mangáraratnán doón ng malili- gòng bálana , kundi nápakyáw ni Don Ramón Miranda ang lahat ng pansól sa umagang iyón . Walâng ibang taong makapaliligò hangang ang kawang akay - akay ni Don Ramón ay dî natatapos . Sa pagkakapakyawa'y hindi lamang ang lahát ng uupán , ang mga panindá , kasangkapan , ang boô nang batis , ang nasasali , kundi tila patí ng úbuhing lalaki't matandang babaying bantay- batis , ayon sa pamumupo at mga pagsagót niláng ubos - galang sa anománg usisàin ó hingín ng tinurang Don.
Tatlóng automobil at isang karwahe ang sa kawang itó nina . Don Ramón ay naghatid sa Antipulo nang sábado ng hapong nagdaán . Ang talagang kawan ay binubuo niyá at ng dalawáng anák na dalaga : si Talia at si Meni ; ng di náiwawalay sa alin mang lakarang mag - anak ni Don Filemón Borja , si Nora Loleng at ang bugtong na dalagang si Isiang ; ng magkapatid na Honorio at Turing Madlang - layon , at saká ng ilán pang mga kasamahín ng isa't isa sa gayong malalayò at ílanang araw na paglalakbay . Para - parang taga - Santa Cruz , mátangì ang magkapatid ng abogado Madlang - layon na taga - Tundó namán .
Sa Antipulo , ay íisáng bahay ang kaniláng tin útuluyan , bahay na sa taón - tao'y talagang laán kay Don Ramón , kun dumáratíng ang mga gayong araw . Ang bahay ay tablá't pawid , malakí , lumâ - lumâ na't walâng pintá at nasa sa isá sa mga daáng hináharáp ng simbahan .
Sa pagsisimbá nilá nang umagang - umaga , maraming mga katagá - Maynilàng kakilala at kaibigan ang sa kanila'y nakakita . Si Don Ramón at si Don Filemón ay kapwà mayaman , si Honorio ay abogado , para - para siláng may akay na dalaga , magigiliw nama't masasayang tao ; saán di paglabás na ng simbaha'y mags úsunuran ang mga bagong kitang kaibigan ; saan dî ang mga binatang Maynilà ay parang kinúkurók ng paghabol sa gayóng kagandáng úhay ng palay . Sumahangáng bahay pa ang nagsihabol at nagsipaghatid . Mulâ rito , pagkapagbihisan , pagkaagahan at pagkapahingang ilang sandali lamang , ay batis naman ang tinungo . Apat sa mga susunod - sunod na binatà ang hangáng batis ma'y di na humiwalay . Dalawá sa kanila'y kaibigan ni Isiang : si Bentus at si Pepito , kapwà makisig na binatang anák - mayaman din sa Santa Cruz at sa Troso , at isa'y di kaibigan lamang , kundî ang parmaseútiko nang si Martín Morales , pang - guló ng isip ng tinurang Isiang . Ang isa pang binata'y kakilala namán ni Turíng , at aywán kung kakilala lamang , ayon sa pagtititigán nilang laging panakáw - nakáw .
Anopa't lalong lumaki ang kawan .
Ipinasya ni Don Ramón na ang mga babayi'y magpisan ng paliligò sa dalawáng pansól ng batis na nasa dakong kanan . At sa nasa dakong kaliwâ namán maghálinhinan ang mga lalaki . Nag - utos din sa mga alilà , na ang litsón , ang nilagàng manók at iba pang pananghalian , ay sa bahay na paglulutuin at sa batis ay lutong hakutin na lamang . Talagang pángatawanan ang gagawing pamamatis ..
Si Don Ramón at si Don Filemón ang siyang unang nag- sipasok sa páliguán . Samantalang silá marahil ay nagtátapós na , ang mga babayi ay bago pa lamang nangagbúbulâ ng gugò sa kabila . Dalawá pa mandín ang lumabás muna ulî : si Meni at si Isiang .
–Hangáng hindî ninyó nabúbulâ ang gugò , kamí'y háhanap ng tanglád ó katmón–anáng dalawá sa ibang kasama . –Saán pa kayó háhanap ?–ani ñora Loleng–bákit nárito si Petra ay di siyáng pahanapin at kayo'y mangagbihis na ng pangpaligò ?
Si Petra ay bataan nina ñora Loleng Ang dalawang pinag- sabihan ay nagwalang bahalà . Nagbúbulungang lumapit sa isang puno ng duhat na mabunga , at nang nangangawit na yatà ang kanilang liíg sa kátitingalâ at kátuturò ng mga hinóg , at nanglálabnáw na ang laway na walâ namáng mangyari , ay kina- wayán ng Isiang ang mga binatà . Patí ng abogadong bao , si Madlang - layon , ay nakayag din sa pangduduhat
–Kumuha kayó ng sungkit !–ani Meni .
–Aakyát na akó ! -ang magilas na paghandóg ni Morales .
–Huwág !–ang sawáy namáng magiliw ni Isiang–Naka- sapatos ka , madulás at marupók ang punò ng duhat !
–Ohú ! hindi ganyán lamang ang inaakyát namin sa labás , nang panahon ng labanán , kapag aming tinátanáw ang mğa kaaway .
–Walâ kang sapatos noón .
–Mayroon din , at wala pang kasangá - sangáng di gaya nitó sa punò .
–Ikaw ang bahalà !–ang ayon na ni Isiang–pagdating mo sa itaas ay iyong luglugín , ¿ ha ? ...
Hindi si Morales lamang ang nakyát : umadyó rin si Bentus . Anaki sa gigilas ng pangungunyapít sa punò , ay dalawang ulu- kang mang - aakyát sa mga halige ng telegrapo . Nasa sa káhiyaan at ang pangangalóg ng mga tuhod ay di súkat ma- ramdamán . Na narúrumhán ang damít ? At kailán pa itó parúrumhán !
Sa unang pagluglóg sa itaás ay tilî na agad ang sa lupà'y naging katúgunan . Si Isiang ang unang parang nakitlán ng lalamunan sa pag - ulán sa tapát niyá ng malalakí , mga hiláw at hinóg na duhat . Si Meni na inúusisà ng abogado tungkol sa kanyang kapatid na si Talia , ay nápasigáw rin namán . Agawáng nagsipamulot .
–Habang kami'y namumulot , huwag kayóng lúluglóg !–ang hingî ni Pepito , sa pag - aalaalang ang pantalón niyáng putî , ang amerikanang lanang abó - abó , ó ang sambalilong " panamá , ' na " tupî ang haráp , tabas mautang , " ay máhalikán ng gayóng kaiitím na paták ng ulán ...
Sa gayong ingayan , patí ng nangasa sa loób na ng batis ay naligalig . Násilip niláng duhat ang pinagkákaguluhán . Duhat ! Nguni't wala nang mangyari Si Talia at si Turíng ay kapwà nakadamít pangpaligò na . Si ñora Loleng nama'y basâ na ri't ginúguguan ni Petra . Nakasigaw na lamang ang dalawang pinanúnuluan ng láway :
–Bigyán ninyó kamí , matatakaw ! ...
Sa dakong tárangkahan ng looban , ay may dalawang lalaking humahangos sa pagdating . Kapwà naka - amerikana't panta- lóng puti . Ang isa'y naka - buntál at ang isa'y naka - sabután . Halos magkasingtaás ; kung bagama'y mahiláb - hiláb lamang ng kaunti ang angát at pangangatawan ng naka - sabután sa isá . May kaputián itó at kayumangí iyón . Sa anyô ng pagmumukhâ ay kapwà nagtátampák sa malayò pang tingín , ng isang kagulangang higít ng kung titig - anim na taón lamang sa kaniláng tinatagláy . Sa tabas ng mga pananamít , ay hindi sukat kápu- nahán ng anománg hangád ng pagpapalalò , máliban sa isang pilit pa at bahagya nang pakikibagay sa mga paggayák na umíiral niyón . Sa hugis ng mga tindíg , ay hindi mğa payát at dî namán matatabâ . Lalò na ang isá , ang kayumangí , ay may matipunong pangangatawán , na kung makabúbulas - bulás pa ng kaunti at inabot na dising gayón ng Napoleón pilipino , noong kasalsalan ng Paghihimagsik , marahil nápus ùan siyáng magíng isá sa mga kawal niyang pangbungad . Sa pagkakáakbáy sa paglakad , anaki'y kambál na magkapatid ; nguni't ang kulay at tabas ng kanilang mukhâ , ang pagkakáibá ng mga mata , -ang sa maputî'y malalalim na mapungay at ang sa isa'y luwâ- luwâ ng kauntî at buhay na buháy - ay siyáng sumásagót agád ng hindî , kundi magkatotong matalik lamang .
Ang paningin ng dalawá , malayò pa , ay nangápapakò na sa nagsisipanguha ng duhat . Nangakangiting lumálapit . At nang ang agwát nila'y hindi pa halos makapagsiyáng mukhâ na , si Meni'y parang dinagukan sa dibdib nang mátamà ang matá sa nagsisiratíng .
–Siná Felipe itó ! -ang sa sarili'y kumutób .
Si Felipe ang kayumangí at naka - buntál .
–Sino iyón ?–ang usisà ni Madlang - layon , pagkapansín kay Meni na natítigilan .
Si Meni ay di nakaimík .
–Hindi ba sina Delfin itóng dumáratíng ?–ang anás ni Isiang sa kaibigan .
Si Delfín ang maputî at naka - sabután .
–Silá ngâ !–ani Meni , na unti - unti nang lumayo sa dalawáng lalaking kapámulután , at nag - anhín - anhín sa tayô , kunwa'y dî gaanong nálalahók sa gayong pagkukúhanan ng duhat .
–Nakú , ngayón ka !–ang panakot nang Isiang . –Pánibughûin ba si Delfín ?
–Aywán ko ;–ang iwas ng Meni–nguni't anó sa akin kung manibughô man siya ?
–Ohów !
–Abá ! ... walâ pa namán siyáng kapangyarihang magká- gayón .
–Ehém !
–Ayaw kang maniwalà ! ...
Samantala ang pabulóng na tudyuhang itó , ang dalawang pinag - uusapa'y may sálitâan namáng ganáng kanilá tungkol sa mga nilalapitan . Sa ilang hakbang pa'y nagkáabot - sabi na .
–Anó ang inyong ginagawâ riyán ?–ang tanong ni Felipe .
–Nangduduhat - ang sambót ni Madlang - layon .
–Matamís pô ba , aling Isiang ?–ang tanong na una ni Delfín .–Sa akin po'y matamís , ¿ sa iyó ba , Meni , matamís dín
–Mapaít !
–Duhat na mapaít !–ang saló ni Felipe , na násundán ng munting tawanan ng lahát , liban si Meni .
–Mainit yatà ang ulo !–ibinulóng ni Delfín sa kanyáng kasama . Si Felipe naman ay lumapit kay Meni , at umanás din :
–¡Nagagalit ka ba sa amin ? Isáng ngiti ang naging tugón , at pagkuwa'y nagsalitâ na ng magiliw na paris ng dati :
–Bákit ngayon lamang kayo ? anong oras nang kayo'y malís sa Maynilà ?
–Madilím - dilím pa ;–ang tugón ni Felipe - saán nároón silá ?
–Sina tatay ? nároo't nagsisipaligò .
–Kayó , hindi pa ba maliligò , aling Isiang ?–ang usisà ng Delfín pagkasulyáp ng isá kay Meni .
–Maliligò na pô–anáng tinanong pagkahagis ng tingin kay Meni rin , na anaki baga'y ibig nitong sabihing :
–Patungkol sa iyó ang sinabi nitó .
Ang mga pásaringa'y naputol sa biglâng bagsakan ng mga duhat . Sa isáng tingalâ ni Delfin sa itaas ay nakilala niyang ang nagsisiluglóg ay ang parmaseútiko Morales at si Bentus , isáng magilas na binatang nakilala niyá sa " Secondary School " sa Sampalok .
–Kayó palá !
–Oo ,–anáng dalawá sa itaás–pagdating mo rito'y laging sa ibaba ang iyong tingín , kayâ dî mo kamí nákita agád - ang pasulót - sabi ni Morales .
–Hindi naman ! Siyá , luglóg na kayó at patí ako'y mangi- nginain.
Sa bawa't sangáng málipatan ng dalawa ay luglóg na walâng awà ang ginagawâ . Malamáng pa ang bigláw at bubót na nahuhulog kay sa mga hinóg . " Mistuláng bálang itong mğa taga - Maynilà , kung mamutpót ng mga halaman , " ang sukat na ngâng másabi ng mga taga - bukid .
Si Felipe'y nagpatuloy sa batis na pinaliligùan ng kanyáng amáng - kumpíl na si Don Ramón . Si Isiang , si Madlang - layon at si Pepitong kilalá ma'y dî kabatián ni Delfín , ay parang mga inúutusang untî - untîng nálayô sa dalawang nagsasarili ng usap . Anopa't si Delfín at si Meni , habang ang tatló'y nagpapaking- pakingan sa pamumulot , ay nápaisá at nániíg kapwà sa pag- kakatayo at pagsasalitâan :
–Magandá ba ang labás kagabi sa " Zorrilla ? "–ang pangiting usisà ni Meni .
–Aywán ko kung ano ang pinalabás - anáng Delfín namán .
–Pshé ! aywán ..
–Abá , anó ang malay ko'y hindi man lamang akó nápa- pasagid sa pintô ng kahi't aling dulàan kagabi !
–Oo nğâ , kayâ ngayóng umaga lamang kayó nakaparito ; naháhalatâ pa sa inyong matáng mapupulá na hindî ngâ kayó napuyat ... -Mapulá ba ang matá ko ?
–Hindî ... maitím ... Pshé ! ang magsisipangakong itong hindi makatitiís ng isang gabing di makipagkita ... Inúuna pa ang teatro ...
–Si Meni namán ! alinmáng salitâ ko'y nápakahirap mong paniwalaan !
–Mangyari , ang sabi ni Felipe , pagkasahod niyang pagkasahod sa Limbagan , kahapon ng hapon , ay súsunód na rin kayó sa amin . Ah ! hindi nga sa teatro kayó naparoón , kundî sa sinematograpo . May bago bang " película ? "
–Ni sa sinematograpo , Meni !
–Kung hindi'y sa katapusán ng Krús sa Timbugan . Bago kamí nápaalis kahapon ay nabalità kong magandá raw magandá ang Santa Elena at Reina Sentenciada .
–Hindî rin kamí napáparoón .
–Kay babaít !
–Mánunuyâ !
Ang mga matá ng dalawa'y sandali munang nag - usap .
–Aaah ! .. marahil nang kayo'y matulog ni Felipe ay orasyon pa , kaya hindi na nakapanood ng anomán.
–Kay lalayo ng hulà mo sa lahát ng nangyayari sa akin ! Isá ma'y walâng tamà sa katotohanan . Kagabi ay may pulong na dinaluhán kamí ...
–Pulong ! ...
–Kaylán mo kaya akó paniniwalàan , Meni ?
–Abá , sino ang dî naniniwalà sa iyó ? hindî ngâ ba't nag- pulong kayó sa ... kanilang bahay ?
Ang binata'y nagulumihanang biglâ sa náriníg . " Sa kanilang bahay ! " Kanginong bahay ? Hindi niyá ináasahang máriníg sa bibig ni Meni ang gayong maylamáng pangungusap . Sa walang ilang kisáp - matá ay nabuklát ang sariling alaála at isá - isáng nágunitâ ang mga bahay na kanyang pinagpapa- panhík sa Maynilà . Marami ; nguni't walâng gaya ng kina Meni . Nagi sa isip sa sandaling iyón na ang tinutukoy ng . kausap ay di sasalang ang bahay nina Inés , nagtuturò ó teacher ng inglés . Aywán kung makálawá nang sa pagsabay niyá kina Meni , kun gabing lumálabás sa " Night School , " ay náiulók siyang ang sabaya'y ang tinurang maestra at huwag siyáng discípula lamang . " Kapwà kayó marunong , " ang sabi pa ni Mening umúukilkíl sa kanyang alaala .
Sa ganitong pagdalumat , si Meni ay napangitî at nagmukhâ ng lalong kaayaaya . Ang dalawang matáng nátititig sa kausap ay parang nagsasabi ng : " Anó kaya ang isasagót nitó sa akin ? "
–Kanginong bahay ?–ang sa wakas ay nabigkás ng binatà .–Talós mo namang maraming kapisanan akóng kinásasapìan , kayâ araw - araw halos ay may pulong na dinádaluhán .
–Eh anó sa akin kung marami at maypulong kayó araw- araw ? Nanindíg ba ang balahibo ko ? ...
–Abá ... !
Tanging salitâ itóng namulás sa bibig ni Delfín . Kangina'y mga salitang maylamáng panibughô at pag - asa ; ngayo'y mğa salitang panglibák at pang - iwà . Anó ang ibig sabihin ni Meni ?. Ang dalawa'y waring námalikmatà . Ang dilà ng isa't isa'y parang kapwà nápatdá ; ilang sandaling walâng umimík . Kapwà manding may iniisip na talinhagà . talinhagà . Anopa't sa mğa dalîng yao'y ni dî man nápansíng nalúlubós ang kanilang pag- iisá sa lilim na kinátatayuán . Nakalayo't nakalipat sa isáng mataas na punò ng kasóy ang mga nangduduhat , maging ang mga taga - akyát at patí ng mga taga - pulot , na sa dalawa'y parang walang anomán . Kay Meni ay bahagya nang nakapagpapihit ng mukha ang sigaw ni Isiang na : " Hutukin mo ang sangáng iyán ! " Násagilahan ng tanáw niya ang paghutok ni Morales ng isang sangá ng kasóy na lugayák sa dami ng bunga , at ang pag - aagawan nina Isiang at Pepito sa pag - abót ng sangáng hinúhutok . Yaón na lamang at wala na . Patuloy ang pag- titimpian ng dalawang naiwan , upang isa't isa'y huwág siyáng máunang magsalitâ . Nguni't si Meni ang nauna : -
–Ako'y maliligò na . Matatapos na marahil ang tatay ko .
–Hintáy ka !–anáng Delfín .–Huwag mong gawin ang masayang sa akin ang mga sandaling itó ! Pagsungaw ko na roón sa tárangkahan , at pagkámukhâ sa iyó rito , ang loób ko'y nabihisan ng dî gágaanong galák ! Nákawikaán ang kaybuting pagkakataón itóng dating namin ! Nabitiwan kong biglâ ang pagod sa pagkátanáw sa iyó ! Anino man ng lungkót ay wala akóng nakasalubong habang daán , kundi nang málapitan ka lamang na walâng kibô - kibô at magsalitâ - dilì , kun sa bagay di mo namán ugali iyán . Nang tayo'y mapag - isá na rito , ¿ anó pa ang sa dibdib ko'y sísilíd kundi ang boông kaligayahan ? ... Meni , kumintál sa gunitâ ko ang anyô ng isáng tagumpay ! Ang malaon ko nang pangá - pangarap , ang di na míminsang hingî niyaring pusò na hanga ngayo'y iyong pinapag - áagam - agam , náakala kong dito na mákakamtán sa bibíg mo . At kailán pa ? May kasing - ligaya pa ba ang paris nang , sa Antipulo , ang looban at batis na ito , ang punò ng duhat na iyán , ang mga halamang itó , ang mga damóng iyán , ang umagang itong wala nang ambón at lamlám , ay siyáng maging saksí ng pagtatamó ko ng hanga ngayo'y ipinagkákaít mong kasagutan ? ... Sa iyong mga salitâ , sa mga sulat sa akin , ako'y wala pang matibay mong sagót na mapagbabatayan ng aking palad ! Paglibák at paglingap ay hálinhinan kun sa aki'y iyong ipahiwatig . Hindi ko matantô ang sukat mápanghawakan . Magsabi ka , hálina , Meni , ¿ anó pa ang kailangan kong gawin upang ang lubós na pag - asa sa iyo'y mákamtán ? ¿ anó pa ? …… ..
–Walâ .
–Walâ na raw ! Ay bákit ? ¿ bákit mo akó natitiís na hanga ngayo'y walang kalinawan ?
–Tignan mo , Delfín : ¿ hindî ba't nag - aaral pa tayo ?
–Anó ang kailangan !
–Batà pa kitá , maáantáy muna natin ang pagkatapos ng iyong pag - aaral . Saká ang tatay ko'y iyó nang kilalá kun sino . Matútuwâ ba iyon kung malamang tayo ay may sálitâan na ? Ang dulo'y di na akó papasukin sa " Night School , " ni ikáw nama'y di na makapagpapanhík sa amin . Lalòng nápa- hamak ang iyong nasà . Bukód sa rito , sa iyo'y dî na kailâ na ang kakâ , bago magpaskó , ay mag - áasawa na kay Yoyong , ¿ dî akóng ako na lamang ang mátitirá sa aking tatay ? ...
–Iyán na namán ang dinahilán mo sa akin ! Sa akalà yatà ni Meni , ang ako'y linawin ay makababawas sa pagmamahál sa kanyáng magulang ! Nábangít mo ang pag - aaral ko , ¿ kulang ka bang tiwalà sa akin , pagka't wala pa akóng título ng pagka - abogado ? Sukat na ngâng makaluwag ng panhík doón sa inyó ang mga kilala kong titulado !
–Tignán mo siyá , kun saán dinádalá ang sálit âan ! ... Ang binata'y nagmasayáng mukhâ , ngumitî't bakâ ang kausap ay mabigatán sa kanyang kasasabi pa lamang .
–Ang sinasabi ko–ipinatuloy ng binibini–ay baká maguló ang iyong pag - aaral . Akó , ang pag - aaral ko ay ano pa ! Nguni't ikaw ! .. Kaya sa mga sulat mo'y di na ako nagsasasagot ay nang wala kang mapagkabalamán .
–Gayón palá ang dahil ! Sa ganáng iyó ay mabuti palá ang di akó pagsasagutín . Babayi ka ngâ ! Hindi mo sukat málaman na kaming mga lalaki hanga't di ninyó sinásagót sa bawa't sulat , ay walâng ibang lamán sa ulo kundî pangarap , walang hari sa loob kundî laging pag - aantáy , at bawa't mákitang papel , akala'y iyón na ang inyong liham .
–Hambóg !
–Siyáng totoo !
–Kun dî kayó pinagsásasagót , títigil kayó ng kasusulat , at makapag - aaral kayong mabuti .
–Sinungaling ! mahanğà pa'y ...
–Ay anó ? kun dî kamí sumúsulat na mga babayi , walâ kayóng mábabasang mga lalaki : ang ibabasa ninyó sa sagót namin , máibabasa na sa mga libróng pinag - aaralan .
–Malayò ka , Meni ! Lalò mo akong ayaw papag - aralin niyán ! Sa akala mo ba , si Delfín ay magpapakasikap sa kan- yang pag - aaral , kung walâng Mening anák ni Don Ramón Miran- dang kinahihiyán ?
–¡ Nakú ? ...
Sukat ang nakung itong nasabi niyá. Mápapatawá'y pinigil . Nágunitâng maykahalong isáng kimpál na kabu- laanan ang gayóng karirinig pang salitâ . Sapagka't nang magkakilala silá , si Delfín ay balità nang masipag sa pag - aaral . Nguni , ni kabulaanan ni kapalalùa'y di niyá máipangalan sa gayóng sabi . Sa kaibuturan ng puso ay may isang damdamin . siyang parating naghaharì , kapag si Delfín ang nakakausap . Ang lasáp niya sa anománg mapaít na galing sa bibig ni Delfín , ay maytamís ; anománg sabihin , sukdáng di totoo , ay dili ang hindi mangyayari .
Nang mamasdán ni Delfín ang pagkakápakò sa kanyáng mukha ng mga matang pagkáamò - amò ng kausap , ay lalòng nasiglahán ang loob sa pagpapatibay ng sinabi :
Magkátaón–anyá–na ang mabuká sa iyóng bibig ay dî ko pag - asa sa kaligayahan , kundî sa kamatayan , pag di agad- agád mong nátangáp na abó ang lahát ng aklát kong pinag - aaralan .
–Anó ? at sa bagay palá , kayóng mga lalaki , kayâ lamang nangag - aaral ay dahil sa may kinahihiyáng babayi ?
–Ang mga lalaki lamang marunong umibig na paris ko .
–Súss !
–Abá : kung kamí - kamí lang mga lalaki , maáarì nang mabúhay kahi't papaano sa lupà . Nguni't dahil sa inyóng mğa babayi kaya may pag - ibig , at dahil namán sa pag - ibig na itó , kami'y napipilitang dumuláng sa oras - oras ng balanang mataás na kapalarang sa inyong mga paa'y maihahandóg . At kayó bang mga babayi'y hindi gayón din ?
–Kamí ? Hindi : kami'y nag - aaral para sa amin din , at dî dahil sa inyong mga lalaki .
–Bulaán ! ... Kung magsásabí kayó , kaming mga lalaki lamang ang marunong magsinungaling ... Kung kayó - kayó lang mga babayi ang lamán ng lupà , hindi pag - aaral ang inyong háharapín , kundi ...
–Anó , pagpapagandá ba ?
–Hindî : áanhin ninyo ang ganda'y walâ na kayóng ma- pagmámagandahán .
–Ay anó ? Walâ .
–Anó , lang eh ?
–Walâ , sabi .
–Ah ! ... diyán ka na , kung ayaw mong sabihin ! At umakmâng iiwan ngâ ang kausap . Hinawakan ni Delfín sa mangás ng barò , at sa boông giliw anya'y : usap !
–Hintay ka , sásabihin ko na ; nguni't paupô kitáng mag-usap!
Nayag naman ang pinigil . Nalimot ang siya'y tátanghaltin sa paliligò . Umanyông lumupagì sa damó habang umúupô ng paningkayád si Delfín , katang at unát ang dalawang bisig sa ibabaw ng dalawang tuhod . Nguni't nang máhipò at makitang basâ ng hamóg ang damóng lúlupagìan , ay hindi nátulóy . Umurong sa dakong likód , at doón , sa isáng laylay at pantay - alák- alakáng sangá ng bayabas , ay naupo si Meni ng bahagyâ at patimbang - timbang sa pagkahutok at pag - indayog ng sangá . Si Delfín ay paharáp sa kanyang tumayô namán ; nakapigil ang kanang kamay sa isáng ga - hinlalaking sangá rin ng bayabas na yaón , na nátatapát sa kanyang ulo ; isinilíd ang kaliwâng kamáy sa bulsa ng amerikana , at umanyông magsalita ng boông giliw :
–Talastasín mo , Meni , na hindî pára - para ang isip ng nangag - aaral . May sa pagliligaw ay nasisirà sa pag - aaral , at may lalò namang nagsisikap habang napapabuti sa nililigawan . Dito sa mga hulí akó nábibilang ... Kaya huwag kang mag- alaala . Ang " oo " mo ay pangdubdób sa aking pag - aaral . kákaít mo pa ? Ipag- –Abá !, abá !, Delfín !, ¿ iyán ba ang hinihingi kong sabihin mo ? Sásagót pa sana ang binatà , nguni't náunahan siyá ng ibang sigaw na umalingaw - ngáw mulâ sa may pintuan ng batis .
–Hoy , mga bata kayo ! siyá na iyán ! tanghalì na ang paliligò ! ...
Ang mga salitang ito ay kay ñora Loleng . Ang sinigawa'y pawang nagitlá , at anaki'y mğa binugabog na kalapating nagliparan sa kanilang bahay ; sunod - sunód nang nagpásukan sa kamalig . Ang nagkakabutihang dalawá ay hindi maáaring paiwan . Sayang na sayang man ang punò ng bayabas , ay nangápakilipád din sa dî oras . Noón namán sina Don Ramón at Don Filemón ay kapwà kalálabás pa lamang sa batis . Nangakapaligò na . Sínoman sa mga binatàng sunod ay ayaw maligò . Ang abogado Yoyong at si Felipe ang siyáng humalili sa dalawang pansól na naiwan ng dalawáng matandâ . Si Delfín , tinátamád na rìn .
Ang nangakapaligò na't ang ayaw magsipaligò ay siyáng nagkaharap - harap sa loob ng kamalig - tindahan.