Florante at Laura/Sa Babasa nito

300812Florante at Laura — Sa Babasa nito1853Francisco Baltazar

Salamat sa iyo, ó nánasang írog,
cong halagahán mo itóng aquing pagod,
ang tulâ ma,i, bucál nang bait na capós,
paquiquinaban~gan nang ibig tumaróc.

Cong sa bigláng tin~gi,i, bubót at masacláp
palibhasa,i, hilao at mura ang balát
ngunit cung namnamín ang sa lamáng lasáp
masasarapán din ang babasang pantás.

Di co hinihin~ging pacamahalín mo,
tauana,t, dustaín ang abáng tulâ co
gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyó
ay houag mo lamang baguhin ang _verso_.

Cong sa pagbasa mo,i, may tulang malabo
bago mo hatulang catcatin at licô
pasuriin muna ang luasa,t, hulô
at maquiquilalang malinao at uastô.

Ang may tandang _letra_ alin mang talata
dimo mauatasa,t, malalim na uicà
ang mata,i, itin~gin sa dacong ibabâ
boong cahuluga,i, mapag uunauà.

Hangán dito acó ó nánasang pantás,
sa cay Sigesmundo,i, houag ding mátulad
sa gayóng catamis uicang masasaráp
ay sa cababago nang tula,i, umalat.

(Sa cursiva o bastardilla)