Huag Acong Salangin Nino Man/3
panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc ng̃ pintuang nalalatagan ng̃ "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan ng̃ mg̃a maceta[10] at álagaan ng̃ mg̃a bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na may sarisaring culay at may mg̃a dibujong hindî mapaglirip.
Yamang walang bantay-pintô ó alilang huming̃î ó magtanong ng̃ "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw ng̃ tugtog ng̃ orquesta, ng̃ ilaw ó ng̃ macahulugáng "clin-clan" ng̃ mg̃a pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang mg̃a piguíng doon sa Perla ng̃ Casilang̃anan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay ng̃ calagayan ng̃ bahay; ng̃uni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa mg̃a may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang mg̃a anyô ng̃ asal, cawang̃is ng̃a ng̃ mg̃a pawican ang mg̃a may camatayan sa Filipinas.—Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na ng̃ gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón ng̃ orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan ng̃ marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang mg̃a pang̃acò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, ng̃ dalawang nacaiinip na oras sa casamahán ng̃ mg̃a hindî cakilala, na ang pananalita't mg̃a pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod ng̃ di ano lamang sa mg̃a ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na mg̃a cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá ng̃ "Ang Purgatorio," "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom," "Ang pagcamatáy ng̃ banal," "Ang pagcamatáy ng̃ macasalanan," at sa duyo'y