Kundiman (Pascual de Leon)

Kundiman (1915)
by Pascual de Leon
300823Kundiman1915Pascual de Leon

Dalagang butihin: Huwag kang humang̃a
kung iyong makitang ang mata’y may luha,
ang kabuhayan ko’y hindi maapula
sa ikatatamo ng̃ tang̃ing biyaya.

Ang luha sa mata’y laging bumabalong,
ang aking damdamin ay linilingatong,
ang kulay ng̃ madla’y malamlam na hapon,
ang ayos ng̃ lahat ay parang kabaong.

Sa aking paghiga’y laging nakikita
ang iyong larawan, dakilang dalaga
ikaw’y maniwalang ako’y umaasa
na di aabutin ako ng̃ umaga.

Kaya’t kung sakaling ikaw’y may pagling̃ap
kung may pagting̃in ka sa imbi kong palad,
ay mangyari mo ng̃ang iligtas sa hirap
ang kabuhayan kong sawa sa pang̃arap.


This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
  • It is an anonymous or pseudonymous work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is an audiovisual or photographic work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is a work of applied art and 25 years have passed since the year of its publication
  • It is another kind of work, and 50 years have passed since the year of death of the author (or last-surviving author)