Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/151

This page has been proofread.
—145—


bugawin ang mga paghahakàng nábanggit-upang maging
mabuting mang-aani ay hindi kailangan ang maraming retó-
rica ¡Pangarap, maling akalà, buko ng pag-iisip! ¡Siya! dibig
bagá ninyong sumunod sa isang hatol?

At tumindig, masuyong ipinatong ang kamay sa ba-
likat ng binatà, at nagpatuloy:

—ibigyan ko kayo ng isáng lubhang mabuti, sapagka't
nakikita kong kayo'y matalino at ang hatol ay hindi mápa-
pagayón lamang. ¿Magaaral kayó ng panggagamót? Kung
gayón ay magkasiyá kayó sa pag-aaral ng kung papaano ang
paglalagay ng tapal at pagpapasigid ng lintå at huwag nin-
yong panghimasukan ang pagpapabuti ó pagpapasama ng ka-
lagayan ng inyong kapuwâ. Pag kayo'y licenciado na, ay
mag-asawa kayó sa isáng dalagang mayaman at mapanata,
pagpilitan ninyo ang makapanggamót at makasingil na ma-
buti, layûán ninyo ang lahát ng bagay na may pakialam
sa kalagayan ng bayan, magsisimbá kayó, magkumpisál at
makinabang pag ang iba'y gumagawa ng gayón, at makikita
ninyong pagkatapos ay pasasalamat kayó sa akin at ang
gayo'y makikita ko kung ako'y buhay pa. Palagi ninyong
aalalahanin na ang lalòng wastong paglingap ay ang linga-
pin muna ang sarili; walang dapat hanapin ang tao sa
mundó kundi ang lalòng malaking kaligayahan ng kaniyang sa-
rili, gaya ng sabi ni Bentham; pag kayo'y nanghimasok sa mĝa
kaululán, ay hindi kayó magkakaroon ng carrera, ni hindi kayó
magkakaasawa, ni hindi kayó magiging anomán. Pag-iiwananan
kayó ng lahat at ang una unang magtátawá sa inyong kalinisang
ugali ay ang inyó ring mga kababayan. ¡Maniwala kayó
sa akin, ako'y maaalaala din ninyo at sasabihin ninyong
may katwiran akó pag kayo'y nagkaroon na ng ubang ka-
gaya ko, mga ubang kagaya nitó!

At hinipò ang iilan niyang buhok na puti ng ma-
tandang abogado na ngumiti ng malungkót at iniling-iling.
ang ulo.

—¡Pag nagkaroon na ako ng mga ganiyáng uban, ginoo,
—ang sagot na malungkót dín ni Isagani-at pag inilingón
ko ang aking paningin sa nakaraan at makita kong walâ
akóng ginawa kundi ang ukol sa sarili, na hindi ginawa ang
mangyayaring gawin at dapat kong gawing ukol sa bayang
nagbigay sa akin ng lahat ng bagay, ukol sa mga namama-

10