Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/19

This page has been validated.


- 18 -


  At gayon di naman cay Adelang tuà
na sa cay Maximo parang pulot gata
anpa,t, ang mata nilai, cung mag tama
na nasasa langit ang cahalimbaua.

  Tugtog ng matapos malaqui ang ganap
niyong naquiquinig na nagcacaharap
ang ina aihiao salamat salamat
sa nag si abuloy Maximo,i, nangusap.

  Capitan Patricio yayang natapos na
ang tinugtog namin alay sa may pista
casayahang ito.i, bilang pacarona.
sa iniong mag-asauat,t, saca cay Adela.

  Pagcat arao ito na ipagdiriuang
ng bugtong mong anac naguing capistahan
di caya mangyari mahal na Capitan
caming umabuloy naman ay damayan.

  Anong hangad nila baquit di sabihin
sa macacayanan aco,i, uma-amin
tugon ni Maximo cung gayon po,i, dinguin
ang nais ng loob iyong uliniguin.

  Na ang anac mo pong butihing Adela
ang hiling ng lahat na siyang mag canta
cautangan loob na cuiniquilala
nami,t, carangalan naman ng may pista.

  Mangyayari caya ang iniluluhoc
sa saganang dangal Capitan sumagot
na cung ninanais ng lahat ng loob
aco sa canila nama,i, sumusunod.

  Adelang bunso co biguian mong halaga
itong nariritong dumalo sa pista
ang sagot ng anac malulugding ana
catauan co,t, buhay sa iyo,i, talaga.

  Mga maguinoo uica ni Patricio
narinig na nila sagot ng anac co
hindi sumusuay tumugtog na cayo.
canta ni Adela ay susundan ninyo.

  O mga dalagang may puring malinis
catauan ingatan ng di magcadungis
na ang halaganan ang puhunang labis
ng ating magulang na nag tatanquilic.