This page has been validated.
Cayong tanang ibon na sa sa itaas
pigilan sangsali sa mga paglipad
bamaba,t, tunguhin ang mga bulaclac
pagpilitan nilang sa tangcay ilagas.
pigilan sangsali sa mga paglipad
bamaba,t, tunguhin ang mga bulaclac
pagpilitan nilang sa tangcay ilagas.
Pagsamasamahin nila ang mainam
ayos ng diadema ang siyang bagayan
na ang padadala,i, pagtulong-tulungan
ulo ni Adela ang siyang putungan.
ayos ng diadema ang siyang bagayan
na ang padadala,i, pagtulong-tulungan
ulo ni Adela ang siyang putungan.
Juan,i, magtindig lumapit ca ngayon
na sa cay Adela corona,i. isunong
ilagay sa ulo doon mo ipatong
saca magcanta ca alayan ng ucol.
na sa cay Adela corona,i. isunong
ilagay sa ulo doon mo ipatong
saca magcanta ca alayan ng ucol.
Sa mahal mong ulo yayang na lagay na
ang coronang dapat bibiguiang halaga
ingatan ang puri ng hindi madama
ng dahasang puso na uangqui sa baga.
ang coronang dapat bibiguiang halaga
ingatan ang puri ng hindi madama
ng dahasang puso na uangqui sa baga.
Na lumagui naua sa caligayahan
hangang nabubuhay puri,i, pag-ingatan
sagisag na tunay ng tanang magulang.
ang bait ng anac tanghalin ng bayan.
hangang nabubuhay puri,i, pag-ingatan
sagisag na tunay ng tanang magulang.
ang bait ng anac tanghalin ng bayan.
Sucat hangan dito butihing Adela
papupurihan co ang dangal mo,t, ganda
tayong lahat dito mangag si pag viva
viva ang magulang viva iyang may pista.
papupurihan co ang dangal mo,t, ganda
tayong lahat dito mangag si pag viva
viva ang magulang viva iyang may pista.
Nagsalisalimbay ng viva,t, hiyauan
lahat ng naroon mga camahalan
at ng matiguil na ay siyang pagdatal
nitong frai Mariano Cura niyong bayan.
lahat ng naroon mga camahalan
at ng matiguil na ay siyang pagdatal
nitong frai Mariano Cura niyong bayan.
Patricio Macaria ang uica ng Cura
anong bagay itong caguiuhan nila,
tugon ng dalaua aming pinagpista
caarauan dapat ng bunsong Adela.
anong bagay itong caguiuhan nila,
tugon ng dalaua aming pinagpista
caarauan dapat ng bunsong Adela.
Cong gayon ang inyong anac ay pinista
baquit di nagsimba nagbigay ng misa,
patauad po ang sagot ng dalaua
nalimutan namin na sa ala-ala.
baquit di nagsimba nagbigay ng misa,
patauad po ang sagot ng dalaua
nalimutan namin na sa ala-ala.
Anang Cura,i, di co iquinapopoot
ang caugalian ninyo ngang tagalog.
na cahit talicudan ang utos ng Dios
ang bituca lamang nila ang mabusog.
ang caugalian ninyo ngang tagalog.
na cahit talicudan ang utos ng Dios
ang bituca lamang nila ang mabusog.