Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/25

This page has been validated.
  Ayos na pong lahat amang malulugdin
ang iniuutos mo Patricio,i, nagturing,
among tayo na po at iyong duluguin
ang natatalagang mahal na cacanin.

  Umupo ang Cura at cumaing ng agad
at ang Fiscalillong casama sa lacad,
banduria,t, buguela hinauacan agad.
ng magcacasamang estudianteng apat.

  Tumugtog at saca sinabay ang canta
ng mga bihasang magandang cantora,
na ang cumacain Fiscalillo.t, Cura
ang toua sa loob walang macapara.

  Ang hiyao ng mga cantang sinasabi
sa tining ng voces ay nacauiuili
gayarin ang uica alay na pagpuri
na sa cuma cain marangal na padre.

  Ang arao na ito dapat na ibunyi
sa lahat ng arao ibucod itangi,
na ang cabagayan dahilan sa pari
Cura nitong bayan na dito,i, na gaui.

  Na siya pang lalo na nagbigay inam
na sa cay Adelang mga capistahan,
di maililihim na di pag-usapan
dito at saca sa iba pang bayan.

  Carangalan naman ng may mga pilac
ang Cura sa bahay nila,i, cung maaquiat,
sa camunting culang ay nacararagdag
ang balang hilingin madaling matupad.

  La lo na,t, cung i sa maguing caibigan
sa ano mang bagay di ca magcuculan,
aug umaua caman ng gulo sa bayan
cung hahatulan ca siya ang calaban.

  Dito sa nangyari aco,i, ualang sucat
duclayin sa isip na maguing marapat.
cung di ipag viva ng naritong lahat
viva itong fraile na Mariano Rivas.

  Na lumagui naua sa caligayahab
ang Cura at saca ang naritong tanan,
viva at mabuhay sa caligayahan
dito at hangang sa payapang bayan.