Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/26

This page has been validated.


- 25 -

-25-

  Curang naquiquinig ay nagpasalamat
dito sa pagcanta ngalan ay natawag,
saca sa may pista aco,i, ualang sucat
iganti sa loob nilang masasarap.

  Guino-ong mang Patricio di caya mangyari
magcaniig quita sa isang sarili,
pagcat di co ibig na marinig dini
ang pag-uusapan Patricio,i, nagsabi.

  Cataua,i, narito itinatalaga
sa balang hilingin ng daquilang Cura.
ang uica ng fraile cung gayon abata
sa may banda roon mag-usap quita.

  Patricio,i, sumunod sa Curang hinangad
na sa isang lihim sila,i, nag-usap,
ng nacucubli na alang nagmamalas
ang Cura,i, nag sabi gayon ang pahayag.

  Capitan cung caya quita,i, sinarili
aco,i, na hihiya sa ipagsasabi
lalo,t, sa gaya co isang cumacasi
di co ibig dinguin ng taong marami..

  Patricio,i, nangusap fraile ang pag sinta
saan na hihinguil sumagot ang Cura
na sa cay Adela at uala na iba
sa camahalan mo.i, ipinatataya.

  Dahilan sa bilis ng aquing pag-ibig
nagsalasalabat iyong mga tinic
at ito,i, ang siyang di icatahimic
di icapayapa dahilan sa saquit.

  Caya,t, cung hindi mo aco dadamayan
sa dinadala cong mga dinaramdam
dusang suson-suson na walang pag-itan
ang mararating co Cura,i, maghimanman.

  Na sa bayang ito marangal na pari
icao baga hualang dapat na mapili
sintanin sa loob mayron nguni,t, hindi
na sa aquing puso silay mamalagui.

  Cung di si Adela na bunso mong irog
siyang sa buhay co ang macagagamot
caya mangusap ca Patricio,i, sumagot
sa sarili niya ito,i, sinisignos.