This page has been validated.
Pedro at Macario at saca si Luis
Juan at Franciscong mga tagabuquid
ang anim na ito na aquing binanguit
magcacaibigan parung magcapatid.
Juan at Franciscong mga tagabuquid
ang anim na ito na aquing binanguit
magcacaibigan parung magcapatid.
Diua,i, tadhana na ng poong may capal
taglay nitong taong naguing capalaran
nusa cay Maximo ay nabalitaan
yong cay Adelang nga cagandahan.
taglay nitong taong naguing capalaran
nusa cay Maximo ay nabalitaan
yong cay Adelang nga cagandahan.
Gumayac na siya ng magandang bihis
na pinacahusay ang ayos at tindig
saca ng matapus tinungo ang nais
ang sa cay Adelang bahay ang pinanhic.
na pinacahusay ang ayos at tindig
saca ng matapus tinungo ang nais
ang sa cay Adelang bahay ang pinanhic.
Ng maquita siya ng mga magulang
nitong si Adela na inalalayan
itong si Maximo at pinagsabihan
siya,i, pinaupo sa handang luclucan.
nitong si Adela na inalalayan
itong si Maximo at pinagsabihan
siya,i, pinaupo sa handang luclucan.
Nang na gayos na itong si Maximo
dalaga,i nangusap ang uica,i, ganito
baquit anong bagay nacarating dito
ang tangi sa dangal Adela,i, dinguin mo.
dalaga,i nangusap ang uica,i, ganito
baquit anong bagay nacarating dito
ang tangi sa dangal Adela,i, dinguin mo.
Bucod sa balita na aquin tinangap
sa tao ang dahil sa saganang dilag
nacarating ito ualang ibang hangad
cun di sintahin ca ng pagsintang tapat.
sa tao ang dahil sa saganang dilag
nacarating ito ualang ibang hangad
cun di sintahin ca ng pagsintang tapat.
Tugon ni Adela baca na mamali
ang camahalan mo dapat na mag-uari
cung sagana acquin hindi ma-aari
lungoy na pagsinta sa iba igauni.
ang camahalan mo dapat na mag-uari
cung sagana acquin hindi ma-aari
lungoy na pagsinta sa iba igauni.
Na dito sa bayan ay marami naman
dalagang gaya cong mga maiinam
unica ni Maximo na ayao co man
sa acquin di dapat na pagtulacan.
dalagang gaya cong mga maiinam
unica ni Maximo na ayao co man
sa acquin di dapat na pagtulacan.
Hindi sa pagtulac tugon ni Adela
pagca,t ang pagsinta,i, hindi rin papara
babaeng ninibig na sa gaya bile
cung minsan malagac sa pangungulila.
pagca,t ang pagsinta,i, hindi rin papara
babaeng ninibig na sa gaya bile
cung minsan malagac sa pangungulila.
Tunay ang sabi mo di o sinasalang
nguni,t pagmasdan mo naman ang caharap
sa ayos ng tao mapagtatalastas
quilos ng magaling o may oslac.
nguni,t pagmasdan mo naman ang caharap
sa ayos ng tao mapagtatalastas
quilos ng magaling o may oslac.