Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/35

This page has been validated.


- 34 -


  Macariang tinawag at biglang humarap
saca sa teniente ay naquipag-usap,
ano po ang iyong mga hinahangad
tugon ng dinatnan icao,i, maquimatiag.

  Ang sasabihin co sa iniyong mag-ina
ngayon din lumacad sa bundoc pumunta,
icao cabo guardias naman ay sumama
parang maghahatid bilang sa canila.

  Magmadall cayo lumacad ngayon din
na baca ang Cura dito ay dumating,
caya bumayo na,t, ng hindi abutin
sila ng parusa na calaguim-laguim.

  Sa marinig ito ni Adela naman
ang ina,i, niyaya at ang cabong mahal,
lumacad na silang nagmamadalian
na di na nacuha ang pagpapaalam.

Iyong naglalacad lilisanin muna
at ang salita co ang buhay ng Cura,
naquiat ng convento,t, doon nagpahinga
saca ng matapos nanaog pagdaca.

  Noo,i, tinalian ng paniyong maputi
na ang cabagayan ay sa dalamhati,
mana na siya na may mga tali
basahan malinis ang baling daliri.

  Banayad ang lacad nagdadahan-dahan
na gagabahaguia ang mga paghacbang.
ito,i, sa teniente niyong matanauan
big-lang nilapitan saca quinamayan.

  Teniente,i, nangusap o mahal na Cura
ano ang nangyari sa calac-han niya,
tugon nitong fraile icao,i, nanainga
tanang cabagayan buhat cay Adela.

  Hinangad ng loob siya,i, macausap
sa aquing convento siya,i, pinaaquiat,
sa ninanais co sayo pumayag
baston co,i, nacuha sa aquin hinampas.

  Tigni ang nangyari at aquing nasapit
guinaua sa acuing babaying malupit
ang buto co,t, laman ngayon nemimitic
ang daliri ay bali baiuang co,i, masaquit.