Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/4

This page has been validated.


- 3 -


  Ipinarito co,i, isang panunuyo
sa iyo ng pag-ibig walang halong biro
Maximo con gayon itong aquing puso
na sa pagsinta mo ay isinusuco.

  Cungayon Adela naman ay cailan
ang aquing pag-ibig sa iyo,i, aasahan
tugon and causap na ilang buan
macaraan lamang ang pista ng bayan.

  Uica ni Maximo ay nanayag aco
Adela,i, nasaan ang pagca totoo
tugon ng causap langit ang sacsi co
buhay co,i, mauala cun aco,i, maglilo.

  Adela cung gayon aco ay paalam
santacayanan ang arao wang tipan
tugon causap icao ay samahan
ng Dios na amang macapangyarihan.

  Maximo,i, umalis tuloy sa canila
Adela,i, nagalac sa madlang ligaya
uala nang malay ang ama at ina
pagcacaibigan ng sintang dalaua.

  Ano pa,t, ang arao sa guinayon-gayon
lumalacas naman bilang ng panahon
lugod ng magulang ay palang caucol
dito cay Adelang loob naninahon.

  Caya na sa tua na walang capara
ne inang mag-iui sa anac na sinta
guinaua ng ama caniyang pinagpista
ang bunsung nasabi sapagca,t, may caya.

  Caarauang pista ni Adelang hirang
itoog si Maximo nama,i, ualang malay
cacanin naghanda ng catanghalian
ang limang amigo,i, pinag-anyayahan.

  Di iba,t, si Pedro Luis at Macario
na casama nilang nasoc ng colegio
si Juan at saca yaong si Francisco
guising man sa hirap magandang catoto.

  Pagca,t, pinasundo dumating ding lahat
ang mga amigo niang hinanangad
ng naroroon na ay itinalatag
ang mga cacanin handang masasarap.