Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/7

This page has been validated.


- 6 -


  Matuid na lahat ang hingi ni Burgos
ang fraile hindi dapat maghimasoc
Sa paguiguing Cura at uala sa utos
dahilan sa ito,i, lupa ng tagalog.

  Cung nagpupumilit ang sino ma,t, alin
na ibig na Cura migdaan sa examen
sa gayong sinabi hindi nag si amin
itong mga fraile salita,i. pati guil.

  Sa walang magawa itong mga fraile
doon sa catuiran mga sinasabi
pinag-isip nila cun anong mabuti
sa buhay ni Burgos sa icapuputi.

  Sinapacat nila iyong isang uldog
na ang pananamit umayos cay Burgos
tanang mga bilin ng maisaloob
tumaulã ng Tanguay ang may budhing hayop.

  Ang numero dos unang quinausap
saca ang Marinong tagalog no lahat
at ang Artillero na may canong ingat
na Francisco Saldua sa gayo,i, pumayag.

  Ang uica ng lilong tumulad cay Burgos
Sa Maynila aco,i, punong sinusunod
cung marinig nilang doong ay may putoc
cayong lahat dito naman magsiquilos.

  Ng panahon yaon ay nangyari dito
na ipinagpista Virgen de Loreto
sa putoc at ugong bomba ng castillo
ang bayan ng Tanguay siyang pagcagulo.

  Ang gulong nangyari sa mabalitaan
nitong si Izquierdong hayag na General
Sumacay sa vapor at ang pinaronan
ang Tanguay at saca quinubcob ang bayan.

  Maraming marino ang na palamara
na mga tagalog na artillero pa
ang binuhay lamang bilang na natirá
itong sargento na Francisco Saldúa.

  At ito,i, siya na quinunang tanong
ng bunying General Izquierdong hahatol