Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/10

This page has been validated.


— 7 —

Doo,i, usla siyang munting guinagaua
cundi palagui na lamang nacahiga,
oras nang tanghali ay saca bababá
ooui sa bahay pagcain ang sadya.

Cun siya,i, dumating sa canilang bahay
ang bati ng iná,ì, saan galing icao,
si Jua,i, ang sagót ay dini po lamang
naquipag laró po sa ating cahangan.

Di naman iimic yaong canyang iná
sa uica ni Jua,t, natatalastas na,
ito,i, nag yayabang ¿ano caya baga?
ang anác cong ito,i, bucod at caiba.

Nagtataca aco joh Dios sa Langit!
ang bait isip co ay uulic ulic,
cagagauang ito nang anác cong ibig
caguilaguilalas at di co malirip.

Marami rin namang manga bata dito
sa caapid bahay, na naquiquita co,
itong aquing anác caibang totoo
na palaguing uala at di masugo co.

¿Ano caya bagang talaga nang Dios
di paquinabangan ang anác cong irog?
gayon ma,i, matamis sa puso co,t, loob
cun ito ay siyang sa aqui,i, caloob.

¡Oh Dios na Hari,t, Panginoong Amá!
pagcalooban mo ang anác cong sinta,
amponin mo rin po,t, hulugan nang gracia
matutong mag silbi sa magulang niya.