Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/13

This page has been validated.


— 10 —

Iniuan na roo,t, noui na ang iná
lumalacad siyang náluha ang matá,
Jesús co! ang uica bucod at caiba
itong aquing anác na iisa isa.

Esposong si Fabio,i, siyang sabihin co
caya cun umoui ay nag mamacatio,
hanap buhay niya na pag jujuego
sinasamá siya at palaguing talo.

Siya mai, narating sa canilang bahay
cun minsan ay di na naoosisa man,
ang anác na bugtong na sa puso,i, mahal
loob ay balisa,t, ualang mapuhunan.

Mana,i, isang arao ang uica ni Fabio
esposa cong sinta tanong co sa iyo,
¿baquin baga aco,i, touing paririto
di co naquiquita ang apác tang bunsó?

Sintang esposo co sagót ni Sofia
di anong gagauin sa Dios talaga,
di mo nga talastas at dito,i, uala ca
mga cagauian narg bunsóng anác ta.

Ngayo,i, ang tauag co ay si Juang Tamad
dahil sa ugaling caiba sa lahat,
touing macacain panaog na agad
pupunta sa puló sa loob nang gubat.

Aquing sasabihin at nang matanto mo
cabiac nang pusong casi,t, esposo co,
bunsóng anác nataj, pagcacaalis mo
ay palaguing uala,t, di nasusugo co.