Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/15

This page has been validated.


— 12 —

Di anong gagauin ay cun siyang bigay
sa atin nang Dios na Amang Maycapal,
ay houag isucal puso,t, calooban
lagacan din siya niyong graciang mahal.

Nagsama ang dalaua,t, naparoong tiquis
pulo ay sinoot at ibig mabatid,
nang si Juan Tamad datna,i, nahihilig
himbing nang pagtulog at hilic na hilic.

Dinulog nang amang marahang marahan
anac niyang bunso ay canyang pinucao,
guising ca anac co at paquimatyagan
acong iyong ama na na sa ligamgam.

Naguising pagdaca na may dalang tacot
tinangnan ng amat ang noo,i, tinutop,
mag pacahusay ca,t, tumauag sa Dios
ualin sa panimdim sacuna nang loob.

Aco,i, bago lamang na cararating pa
pinangalingan co ay malayong sadya,
sa atin ay di co icao naquiquita
aquing itinanong sa mutya mong ina.

Sumasagot siya luha,i, nabalisbis
sa dalauang mata perlas ang cauangis,
naguluminahan ang puso co,t, dibdib
ng oras na yao,i, nagdilim ang isip.

Nang aquing malining pauang maunaua
ang sa iyong inang mga sabi,t, uica
sa dalauang mata co,i, umagos ang luha
sa laquing hinayang sa anac cong mutya.