Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/21

This page has been validated.


— 18 —

Anhin co ang letra,t, siya,i, tinuruan.
caya naquilala ang manga pangalan,
ay baquit naalman dalang cahulugan
sulat na cartilla quinapapalagyan.

Sa ganitong ito ay pahat pang pahat
sasampuo pang taón dinadalang edad,
natutuhan itong casaysayang lahat.
biyaya nang Dios na sa caniya,i, lagac.

At saca umalis canyang iniuan na
habang lumalacad náluha ang matá,
aco ay paano uala ang asaua
saca ang anác co ay di macasama.

Yaring catauan co caya ay paano
na caaua aua ang calagayan co,
joh Vírgen Maríang Isáng masaclolo
matiis co rin po ang hirap na ito!

Itong aquing anác na iisang tunay
dapat casamahin sa gabi at arao,
touing magugutom siya,i, saca lamang
na naparirito,t, pagcain ang pacay.

Macapangyarihan na iisang Dios
lauitan nang aua ang palad cong capós,
alalayan mo po mahina cong loob
na houag din nauang madaig nang tucsó.

Bugtong niyang anác na si Juang Tamad
na nasa sa puló sa loob nang gubat,
ang canyang cartilla,i, laguing hauac hauac
binabasa niya at buclat nang buclat.