Sagót ni Sofia sa casi,t, esposo
sa anác tang iya,i, nag tataca aco,
di naman marunong at ualang estudio
cun baquit maalam parang abogado.
Tingnan mo esposo,t, aquing sasabihin
nang na sasa pu'óng aquing cacaonin,
sulat na cartilla,i, sinaysay sa aquin
tanang significa ay ipinalining.
Di sucat mamangha ang puso mo,t, loob
sa canitang anác maalam at talós.
pag quinacasihan niyong Poong Dios
daig pa nga,t, talo ang nangag estudios.
Salamat sa Dios ang uica nang amá
at di man nag aral may sinimpang ciencia,
cahimanauari ay ituto siya
sa capayapaan na toua,t, ligaya.
Sa usapang yaon nang canyang magulang
hindi umiimic cahit caputee man,
anopa,t, ang puso,i, tumatangap naman
nang galac na toua ayon sa sinaysay.
Ano,i, nang matapos ang canilang pulong.
sa amá,t, sa iná ang uica ay gayon,
manga loob ninyo,i, houag malingatong
at mag hahanap na mag pamula ngayon.
Maguing ilang arao siya ay nalis na
reino nang Portugal ang canyang pinunta,
ang nasa nang loob at ticang talaga
balang hanap buhay papasucan niya.