Inang si Sofia ay agad namanglao
malaquing totoo dalang gunamgunam,
ang esposong sinta,i, canyang tinauagan
aco ang uinica,i, hindi mapalagay.
Ito,i, saan galing na bigas na ito
taglay cong pangamba,i, malaquing totoo,
baca ito,i, dala nang anác tang bunso
pinagmulan nito ay ala-ala co.
Ang paquiramdam co cataua,i, malambót
hangan di co ito matanto,t, matalós,
asaua cong sinta sa gusto co,i, sunod
nang di alinlangan ang puso co,t, loob.
Icao ay umoui,t, pumasoc sa reino
ang manga tindaha,i, pauang libutin mo,
na cun may nangyaring anoman at ano
hindi masasarhan ang bibig nang tauo.
Sa sintang esposa si Fabio,i, sumunod
umoui sa reino at nag libot libot,
siya ma,i, may roon na dala ring tacot
na hindi mauala pangambá nang loob.
Nang ualang maquitang manga capulungan.
ni balitang hugong tungcol sa nacauan,
cun dito,i, may roong tindahang naualan
hindi malilihim pilit maaalman.
Lumagay ang loob umahon na siya
sa Visadang villa tumungo pagdaca,
ano,i, nang dumating bati ni Sofia
ano ang lacad mo ngayo,i, magsabi ca.