Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/35

This page has been validated.


― 32 ―

Anác co,i, cun caya hindi mapalagay
loob co,i palagui na may gunamgunam,
at hindi mauala pag aalinlangan
pinag mulan nito,i, ibig cong maalman.

Diyata,i, cun gayong pinag hanapan mo
malaqui ang toua nang puso,t, loob co,
anong colocacion tanong có sa iyo
ang pinapasucan ay anong trabajo.

Iná po,i, bala na na nacacayanan
na iniuupa nang sino,t, alin man,
pinapasucan co,t, macaquita lamang
maiisustento sa manga magulang.

Sa iyong tinuran oh bunsó cong sinta
tinangap cong toua,i, ualang macapara,
caming nag aruga,i, inaala-ala
cacasihin ca rin nang Dios na Amá.

Aalis na muli,t, ang pag hahanap co
iná,i, matitiguil cun tumahan dito,
pinuntahan niya,i, Portugal ding reino,t,
marami na roon siyang amistado.

Ito,i, sabi lamang sa canyang magulang
na siya ay doo,i, mag hahanap buhay,
bago,i, ualang gaua cung hindi mag pasial
sa manga amistad naquiqui paglibang.

Cun caya marami siyang caquilala
dahil sa ugaling ipinaquiquita,
sinomang mag utos sinusunod niya
houag lamang hindi niya nacacaya