Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/38

This page has been validated.


— 35 —

Ang quinahinatna,i, siya,i, nagcasaquít
cataua,i, humina,t, naratay sa baníg,
sa canya ay uala sinomang nalapit
na tumingin baga at mag malasaquit.

Sa bahay na canya na tinutuluyan
hindi naman siya pinaquiquialman,
maliban cay Juang canyang caibigan
ang napaparoo,t, siya,i, dinadalao.

Ang saquít na yao,i, iquinamatáy na
sa mundo i, pumanao ang canyang hiningá,
mapanaghiliin ay di sucat palá
at di cagalingan ang naguiguing bunga.

At nang mamatay na ay uala sino man
na tauong nalapit bilang maquialam,
palibhasa,i, uala na camag-anacan
maliban cay Juang canyang caibigan.

Pinasán ni Juan bangcáy ay dinalá
yaong cementerio ay tinungo niya,
at pagdating doon ay humucay siya
inabot nang dilím di nalilibing pa.

Nang oras na yaon ay may cadilimán
linapitan siya,t, pinag sungabanan,
sa laqui nang canyang manga catacutan
nag tacbo pagdaca,t, bangcáy ay iniuan.

Naualan nang loob isip ala-ala
sigla nang malaquing catacutang dala,
palibhasa,i, dilím ay hindi maquita
pinto nang libingan na lalabsan niya.