Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/39

This page has been validated.


— 36 —

Cun caya malaqui dalang catacutan
na sa loob niya,t, laguing gunam gunam,
sumungab sa canyang marami,t, cabanan
ay manga caloloua nang naroong patay.

Ang boong acalai, na sa huli niya
cabang nag sisungab hinahabol siya,
sa quinatatacbo,i, halos ang hininga
di na magca uli at humihingal na.

Nalugmoc sa lupa sa laqui nang pagod
halos ang hininga niya,i, nangangapós,
sapagca lugami sumilid sa loob
¡Jesús co! ang uica ilayo sa tucsos.

Itong uicang Jesús nang canyang masambit
nasaulang loob luminao ang isip,
sampong catacuta,i, napaui,t, naalis
pinto nang libingan ay canyang nabatid.

Nag labas na siya at nag patuluvan
tinungo ang dating bahay na urungan,
nang quinabucasan canyang naisipan
umalis na roon sa reinong Portugal.

At noui nang muli sa Visadang villa
ang amá,t, ang iná,i, dadalauing sadyá,
ano,i, nang dumating sabihin pa baga
ang toua nang loob nang magulang niya.

Ang uica ng iná,i, salamat sa iyo
lubhang malaqui na manga pag-guilio co,
comusta ang buhay ¿oh bunsóng anác co?
at saan nagbuhat pagdating mong ito.