Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/40

This page has been validated.


— 37 —

Sagót na tinuran iná co,t, magulang
pinangalingan co,i, ang reinong Portugal,
cusang naparito,t, cayo,i, dinadalao
cabuhayan ninyo,i, ibig cong maalman.

Lubós yaring toua ng puso,t, loob co
di mo linilimot caming magulang mo,
cacasihin ca rin ng Poong si Cristo
pamamanahin ca ligaya sa mundo.

Dapua,t, ang iyong minumutyáng amá
mulá nang gumaling ang saquít na dalá,
pumirme na rito,t, di umaalis pa
cataua,i, mahina,t, di para nang una.

Ang sagot ni Juan ano pong gagauin
diyata,i, cun şiyang caloob sa atin,
tibayan ang puso,t, tumauag dalangin
sa Dios at tayo,i, caaauaan din.

Lumapit sa amá,t, humalíc sa camáy
at saca nag-uicang ito ang tinuran,
calagayan ninyo,i, houag ipamanglao
tiisin ang hirap Dios ang may bigáy.

Cahima,t, mahina ang catauan ninyo
at cayo po amá,i, di macatrabajo,
dumalangin lamang tayo po cay Cristo
hindi mauauala ang aua,t, saclolo.

Ang cacanin ninyo sa gabi at arao
amá po ay cayo,i, aquing padadalhán,
caya po naalis nag hahanap buhay
maisustento co sa manga magulang.