Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/41

This page has been validated.


— 38 —

Di lubhang nalauon doon sa canila
siya,i, napaalam sa amá,t, sa iná,
aalis na muli,t, ang nasa co,t, tica
ang tutunguhin co,i, reino nang España.

Lumuhód sa harap ng canyang magulang
bendición po ninyo aco,i, pabauonan,
ang camáy nang amá,i, iguinauad naman
pinabalic niya at benendicionan.

At saca sa iná ay siya,i, lumapit
hinaguíp ang camáy at tuloy humalíc,
benendicionan di,t, ang uicang sinambit
ang paroronan mo naua ay masapit.

Naglagos na siya,t, tinungo pagdaca
ang talagang nasang reino nang España,
nang dumating doon nagpapasial siya
ang loob nang reino,i, linilibot niya.

Naglilibang siya sa manga tindahan
at umaamistad sa canino pa man,
palibhasa,i, bagong cararating lamang
humahanap siya tutuluyang bahay.

Ang ugaling dati capagcaraca na
cun sa ibang lugar naroroon siya,
dating catamara,i, linilisan muna
maalam sumuyo,t, loob ay maganda.

Cun paquiusapan nang alin ma,t, sino
tungcól sa anoman na cayang trabajo,
loob ay malinis sa capoua tauo
madaling cumita manga amistado.