Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/42

This page has been validated.


— 39 —

Di humabang arao pagcatahan niya
sa Españang reino,i, may caquilala na,
doon na tumuloy at naguing casera
sa arao at gabi ay urungang sadyá.

Ang caserang yao,i, may binatang anác
na casama-sama ay ni Juan Tamad,
sa loob nang reino ay pahicap hicap
casayahang madla,i, siyang minamalas.

Cun matapos silang macapag pasial na
ooui sa bahay magcasamang dalua,
caibigang ito,i, tantong nagtatacá
at di mapacain doon sa canilá.

At sa encantadong bató niyang ingat
laguing humihingi pagdating nang oras,
cagagauang ito,i, lihim at di hayág
ni sinoma,i, uala na nacatatatap.

Pumucao sa loob at naala-ala
baca nagugutom ang magulang niya,
humingi sa bató niyang encantada
dalhan nang cacanin ang amá at iná.

Guinanap pagdaca na hindi naliban
ng oras na yaon manga cahingian,
natoua ang loob nang canyang magulang
sila,i, may cacanin sa gabi at arao.

At natatanto na ng magulang niya
ang bigas na yao,i, sa anác na dalá,
hindi lamang batid nila,t, natataya
anác ay mayroong batóng encantada.