Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/46

This page has been validated.


— 43 —

Dios na Poong co,t, Panginoong Amá
calarahin aco,t, iyong ipag-adyá,
sinapit cong ito,i, malaquing pangambá
titiisin co po cun iyong talagá.

¡Oh Vírgen Maríang Ináng masaclolo!
patnubayi aco at ipagtangól mo,
sacuna,t, lingatong niyaring catauan co
matiis co rin po,t, ilayó sa tucsó.

Aco man ay ualang inaala ala
sucat pagbayaran na guinauang sala,
cun ito,i, maalman nang hari cong amá
buhay co,i, peligro,t, cacamtan co,i, dusa.

Maguing limang buan itong nacaraan
ang bunying princesang tiguib hapis lumbay,
di niya maisip damdam nang catauan
cabuntisan niya,i, halata nang tunay.

Yaong si D. Feliz hari niyang amá
at ang reina Inés na casi,t, esposa,
pumanhic sa torre at vinivisita
ang canilang anác princesa Leonila.

Ano,i, nang dumating sa torreng tahanan
ang hari,t, ang reina,i, tantong napamaang,
cun baquin anila,t, ang princesang mahal
di sumasalubong sa aming pagdatal.

Princesa Leonila,i, hindi macaharap
sa amá,t, sa iná matá,i, di isuliáp,
ang tacot at hiya ang dumadagabdab
sa dibdib at puso ay hindi maagnas.