Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/47

This page has been validated.


— 44 —

Nang oras ding yao,i, nahalata nila
yaong cabuntisán ng bunying princesa,
naboual sa tindig pareho ang dalua
naualan nang loob isip ala-ala.

Nang mahimasmasang pag saulang isip
ang hari,t, ang reina bumango,t, nagtindig,
ang uica nang amá ¿oh anác cong ibig?
ano,t, gumaua ca nang hindi matouid.

Reinang iná niya nama,i, ang uinica
¿oh anác cong sintang sa puso co,i, mutyá
baquin baga icao ay nag pacasira
puri,i, sinayang mo,t, uinalang bahala.

Di muna liningón caming namuhunan
nagcandi candili,t, nag pala palayao,
guinugol ang puyat at malaquing pagál
saca ang ganti mo,i, laso,t, camatayan.

Acong nag aruga,t, nag pasupasuso
nagtiis nang hirap sapol pagcatauo,
di mo na dinamdam inala-ala mo
puri,i, iningatan tiquis cang naglilo.

Macetas ca nami,t, sa matáng aliuan
camucha ay rosas sadyáng cabanguhan,
manga loob namin at dinadampiohan
anomang sacuna,i lunas ca at cordial.

Saca ngayo,i, ito ang ganti mo,t, bayad
tubo,t, paquinabang sa pagál at puyat,
palamara,t, tacsil anác na dulingás
anác na souail campón ni satanás.