Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/48

This page has been validated.


— 45 —

Ang bunying princesa,i, naluhod pagdaca
na bumabalisbis ang lúha sa matá,
mahal na iná co aco,i, natalaga
cahit yaring búhay ngayon ay quitlin na.

Iná,i, pag hinaho,t, sandaling paquingan
ang ilang catagang sa inyo,i, tuturan,
marapat ngang aco,i, inyong paratangan
parusa,i, ilagdá at may casalanan.

Mahal na iná co ay signos co yata
at palad na lihis bucod sa capoua,
nalang nasasabi diua ay himalá
ng Dios na Hari nang Langit at lupa.

Unauain ninyo mahal na iná co
pinagmulan nitong pagcacaganito,
noong isang arso nanunungao aco
taong may nadaan na dalua catauo.

Natingalá aco,t, nagpanamang titig
aco,i, tinauana,t, sa aqui,i, ngumibit,
di co napiguilan natouang masaquit
sa naquitang anyong anaqui bolislis.

Magmulá na noon ay nagca balisa
sa aquing cataua,i, may nababago na,
ito nga po iná aquing naguing hanga
ualang uala acong masasabing ibá.

Dua,i, ito,i, signos at planetang linsil
na bigay nang Dios caloob sa aquin,
tinatangap co po,t, aquing titiisin
sampong yaring buhay ay inihahayin.