Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/50

This page has been validated.


— 47 —

Cambal nang manganác capoua lalaqui
maganda ang quias pauang mabubuti,
tumauag ng hilot at ang servidumbre
na casama niya sa arao at gabi.

At siya rin naman ang naquiquialam
buhat nang manganác ang princesang mahal,
pagcai,t, lahat nang manga cailangan
ang criadang yao,i, siyang nagbibigay.

Pangala,i, Ursula nang canyang criada
na may cabaita,t, hustong umarregla,
princesa Leonila i, tumanong sa canya
cun anong mabuti na gauing magandá.

Nangungusap siya luha,i, naagay-ay
sa dalauang matá ang camuc-ha,i, cristal,
yamang talastas mo yaring calagayan
maguing iná ca nang dapat pagsabihan.

Ano caya bagang marapat cong gauin
ali,t, sino cayang papapag anaquin,
aco,i, ualang sucat na dapat tanongin
hatol mo ang siya na aquing susundin.

Sagót ni Ursula sa bunying princesa
Cun gayon po,i, aco siyang bahala na,
pinaronan niya cabo de la guardia
at nagsabi siyang ganito ang badyá.

Don Federico,i, caya aco naparito,t,
sa inyo Don Andrés mayroon pong gusto.
princesa sa torre inutusan aco
daluang anác niya,i, hauacan dao ninyo.