— 49 —
Ang uica sa reina esposang sinta co
sandaling paquingan ang sasabihin co,
lulan nang loob co,i, cun aayunan mo
paalsin sa torre mag-iinang tatlo.
At di co na ibig na doo,i, matirá
cundi ang gusto co,i, manalay sa matá,
cun palagui riya,t, aquing naquiquita
ang loob co,i, parang mainit na baga.
¡Oh cun dili caya sintang esposa co
aco,i, mag-uutos at mag papabando,
mahal man at mura tungcól bagong tauo
mangag siparito sa real palacio.
Bagong tauo lamang mahal man at mura
at yapusan nitong apó nating dalua,
mamarapatin co na ualang pagsala
ipacacasal co princesa Leonila.
Sintang esposa co icao ay tumugón
sa aquing sinabi, ano nasang-ayon,
caya nga,t, nangyari at magea gumayon
ualang ibang amá cun hindi nga yaon.
Reina ay sumagót cun siyá mong gustó
masamáng di sundin yao,t, pacaná mo,
cun icao,i, souayin icapopoot mo
at maguiguing sanhi sa puso,t, loob mo.
Pinagcaisahan nilang mag-asaua
ang bagay na ito,t, minagaling nila,
nang quinabucasa,i, nag-utos na siya
at pinabandohan loob nang España.
JUAN TAMAD, 4