Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/56

This page has been validated.


— 53 —

Yaon namang canyang caibigang carnal
na casama niyang pangala,i, si Julian,
si Juai, nang dacpin sa tacot na taglay
lumigpit pagdaca,t, umalis tumanan.

Hindi na liningon caibigan niya
tumacbó nang agád punta sa canila,
di pa natatanto cung anong causa
iniuan at sucat di inalintana.

Muli cong sabihin yaong magcapatid
anác ng princesa na may lumbay hapis,
sa jaulang bacal dudulog lalapit
at quinacapulong ganito ang sambit.

Ano ang dahila,t, nacuculong cayo
anong casalanan sabihin po ninyo,
caming anác ninyo ngayo,i, naririto
na mag dedefensa sa anomang trato.

Sa bagay na yao,i, ang haring marangal
ang loob at puso,i, hindi mapalagay
, sa tanang grandeza,i, ang uicang tinuran
hindi maaari cundi ang icasal.

Lalo at mahigpit ang sa bandong resa
pilit gaganapin na ualang pag sala,
Tamad na si Juan ay ipinadala
sa real palacio pati nang princesa.

Nang siya,i, maharáp sa haring marangal
si Jua,i, tinanóng cung anong pangalan,
gayon din ang bayang iyong tinubuan
sampong magulang mo sa aquin ay turan.