— 56 —
¡Oh iná cong sintáng pinagcautangan!
nag pasupasuso,t, puhunan ay búhay,
acong anác ninyong aalis papanao
maanong tanauin muc-ha ay isilay.
Mahal na iná co cahima,t, mapait
at aco ay lason sa puso at dibdib,
cayo po ay di man sa aqui,i, lumapit
tanauin man lamang aco sa pag-alis.
Guilio na iná co cayo ay cahiman
uala sa haráp co ay linuluhuran,
bagaman at lason sa puso ay subyáng
bendición po ninyo aco,i, pabauonan.
Paalam sa iyo !oh Españang reino!
bayang tinubua,t, dito naguing tauo,
ang arao na ito,i, uacás nang totoo
di na yayapacan nang mga paá co.
Saca nagpatuloy sila,i, lumacad na
apat na mag-anac at soldadong sama,
sa laqui nang galit ng hari at reina
di man tinanauan tiniis binatá.
Habang lumalacad ang princesang mahal
umiiyac siya,t, luha,i, naagay-ay,
ang dalauang anác siya,i, lalapitan
Uiuicai,i, iná houag pong mamanglao.
Baquin baga cayo,i, umiiyac iná
narito at ating casama si amá,
cayo po ay houag na mag-ala-ala
ang pagtangis ninyo nama,i, itahan na.