— 58 —
Iyang manga luhang natác sa matá mo
ipinanglolomó niyaring catauan co,
sucat na,t, itahan !oh casi t, sintá co!
houag cang manimdim ang bahala,i, acó.
Ang uinica naman ng dalauang anác
tahan na iná po cayo nang pag-iyac,
di pababayaang tayo,i, mapahamac
si amá ang siyang bahala sa lahat.
Manga luha ninyong tumulo sa matá
guilio naming iná lubhang marami na,
alalahanin po caming inyong bunga
pagtiisan ninyo hirap na lahat na.
Yaong amá nilang Tamad na si Juan
humanap nang lugar sucat pagpalagyán,
tatlong mag-iiná doon pinatahan
dito muna cayo,t, sandaling iiuan.
At houag aalis cayo bagang tatló
at aco,i, hahanap mabuting puesto,
anang dalauang anác amá po,i, paano
cayo ay aalis saan patutungo.
Ngayon cami dito ay inyong iiuan
at di na babalic at pababayaan,
paano ang aming manga calagayan
mabubuhay caya na sa cabunducan.
Nanglaglag ang luha ni Juan sa matá
sa tinurang yaon anác niyang dalua,
cayo ay houag na mag-ala-ala
at di malalauon babalic pagdaca.