Manga camahalang napapauang nobles
may sinimpang dunong at tahó sa leyes,
manipis cong alam at salát na isip
nangahás cahima,t, di talastas batid.
Lumalacad aco,i, piquít ang capara
ang landás na daa,i, hindi tanto,t, taya,
pangahás cong isip doon umaasa
sa pa-honrang lingap nang mga bihasa.
Pinagsisiyá na nang bait co,t, isip
lathala nang verso,i, ayos sa matouid,
sa manga bihasa,i, culang din at libis
anyayang pa-honra ay inihihibic.
Pinupuring tunay niring sumusuyo
ang mangag anyayang malingaping puso,
cahit di dalisay sa lustre,i, malabo
ay paparahin nang brillante at guintó.
Gayon din sa hindi,t, aayao lumingap
yaring si I. A. nag papasalamat,
itong ninanasang ibig na matatap
ay búhay nang isang sa novela,i, banság.
Na dili umano,i, nang panahóng una
sa reinong Portugal sabi sa novela,
sa sacop din nito na Visadang villa
doon ay mayroong pobreng mag-asaua.
Fabio ang lalaqui tunay na pangalan
ang casi,t, esposa ay Sofia naman,
mag-asauang ito,i, buhat nang macasal
sapól sa dálita,t, ualang pamumuhay.