Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/70

This page has been validated.


— 67 —

Ang manga soldado,i, noong malayo pa
natanauan sila ni Jua,t, princesa,
doon sa bintana,i, di na nalís sila
at inaantayan ang pagdating nila.

Ano,i, nang dumatal sa canilang bahay
yaong mag-asaua,i, ganito ang saysay,
ano cayang inyong sadyá,t, pinapacay
naparito cayo sa amin ay turan.

Camii, inutusan ng haring monarca
dahil sa natanao sila,į, nagtatacá,
may nag niningningan at caaya-aya
ibig matalastas nila,t, maquilala.

Cun gayo,i, magtulóy cayóng calahatán
at pumanhic dini,t, magcasalitaan,
ang tanang soldado,i, nanhic nagtuluyan
pauang nagtatacá sa diquit nang bahay.

Cayo pala,i, siya na may bahay nito
na napacariquit ang lagay estado,
bahay ninyong ito,i, nanglalong totoo
doon man sa reino,i, ualang capareho.

Tingnan na nga nati,t, bulayin ng isip
at di masasabi ninomang may bait,
pag ang Dios pala,i, siyang nag-iibig
ligaya sa mundo,i, ipinacacamit.

At cun caya gayon tinuran sa inyo
cayo,i, itinapon caya naririto,
yaong si D. Feliz haring amá ninyo
nag-utos sa amin daig ninyo,t, talo.