Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/71

This page has been validated.


— 68 —

Ang sa mag-asauang sagót na tinuran
cahiman at cami ay itinampulan,
ualang naaalman caming casalanan
ang ganti nang Dios ay caligayahan.

Cami,i, aalis na,t, babalic na muna
sa haring nag-utos sa reinong España,
á dios ang uica niyong mag-asaua
at sabihin ninyong nagpapacomusta.

Nang sila,i, dumating sa Españang reino
nagpatuloy agad sa real palacio,
ang sa haring tanong sa manga soldado
ano ang nangyari ngayo,i, turan ninyo.

Haring panginoon ang aming naquita
bahay na malaquing cariquita,i, sadyá,
tumatahan doo,i, yaong mag-asaua
ni Jua,t, princesang si Doña Leonila.

Bilin po sa amin nang inyong manugang
saca nang princesang anác ninyong hirang,
icomusta sila sa manga magulang
sila nama,i, hindi nangagcacaramdam.

Ang reina,i, nagsabi sa haring monarca
cun pahintulot mo at minamaganda,
mangyaring sulatan manga anác nata
dahil sa soldadong manga sabi,t, badyá.

Gá nasaganyac na ang puso,t, loob co
ayon sa sinaysay nang manga soldado,
cahima,t, mapait at lason sa iyo
padalhan nang sulat anác nati,t, apó.