Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/74

This page has been validated.


— 71 —

Niyong mga dama,t, mga coroneles
nag si cortesia sa haring mariquit,
sa tulay na yaon ay nang macatauid
paglacad sa calle sayáng di mumuntic.

Tugtog nang música,i, caligaligaya
inam nang putuca,t, nag sisipag salva,
manga coroneles at ang mga dama
sa lacad na yao,i, guiniguitna sila.

Ang mahal na reina at haring marangal
nagtacang totoo sa saya at dangal,
aco ay hari na,i, di co nararanan
ang ganitong diquit manga pagdidiuang.

Nang sila,i, sumapit sa bahay nanhic na
lubha pang malaqui pagtatacá nila,
bahay pala rito anác naming rinta
sa sang reino,i, ualang catulad capara.

Hagdanan ay pilac na nag quiquinangan
sahig at quisame ay salaming lantay,
ang dingding ay pauang esmaltadong tunay
na naca-aalio sa may dalang lumbay.

Sa loob ng bahay nanga papamute
mutyá at carbungco rubí,t, esmiralde,
ang sahig ng salas sampon ng quísame
templo ni Salomón dinaig sa buti.

Ang bubong ng bahay ay pilac na lantay
cun tamaang sinag nang init nang arao,
sinomang tumingin ay di matitigan
at macadudulit sa pagquiquisapan.