Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/75

This page has been validated.


— 72 —

Calagayan ninyo pala ay guinhaua
paliguid nang bahay ay jardineria,
itong tauo pala,i, uala mang cuenta
ay di masasabi sasapiting hanga.

¡Oh manga guilio co na manga anác co
at sampon sa daluang aquing mga apó,
cayo ay cun caya dito,i, naparito
dahilan sa cayo,i, ipinatapon co.

Manga loob ninyo ay pacalinisin
ang madlang sigalót sa puso ay ualin,
cahit anong samá sa dibdib ay alsin
magaling ang siyang pagsamahan natin.

Ang mahal na reina naman ay nagbadyá
na tumataguistis ang luha sa matá,
joh anác cong bunsó princesa Leonila!
patauad ang aquin na nagauang sala.

Icao aquing bunso,i, sa pinagdanan mo
na hirap dálita,i, pauang tiniis co,
cahima,t, masucal ang puso,t, loob mo
pacalinisin na ngayon at magbago.

Princesa Leonila sa reina,i, sumagót
sa dalauang matá ang luha,i, naagos,
mahal na iná co,i, malinis ang loob
ni camunti ualang sanhi man at cubot.

Ang pag-uusapan ay ng matapos na
quinuha ni Juan casangcapan niya,
icao aquing bató sundin mo pagdaca
maghanda ngayon din mabuting comida.