Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/76

This page has been validated.


— 73 —

Sari-saring lutong manga masasaráp
pauang de almacen sa putahing sangcap,
sa lamesang guintó ay mahanda agad
gayon ang cubiertos ay guintó ring lahat.

Ang lamesa,i, lagyan ng telang alfombra
may hilo de orong caligaligaya,
gayon din ang tanang manga servilleta
at pulós na pilac yaong manga silla.

Isang lamesa rin ang tanang matamis
sari-saring timpla sa sarap ay labis,
manga servidumbre pulós maquiquisig
tagalog castila ay nagcacasanib.

At anim na dama cailangan co pa
bucod sa narito na sila,i, anim na,
icao aquing bató ganaping dali na
at nagugutom na ang hari at reina.

Nasunod na paua mga cahingian
nang oras na yaon comida,i, nalagay
ang hari,t, ang reina,i, niyaya ni Juan
sampon nang casama ay gayon din naman.

Dumulóg na sila,t, cumain pagdaca
ang hari,t, ang reina pati manga sama,
at nang macacain nag pupulong sila
madla,t, sari-saring cabuhayan nila.

Sinasabi nila na napacainam
ang handang comida,t, manga casangcapan
ang manga matamis sari-saring bagay
ngayon lamang cami nacatiquim niyan.