Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/78

This page has been validated.


— 75 —

Pinagcaisahan nilang mag-asaua
una,i, uala namang sucat na magmana,
sinabi cay Jua,t, cay Doña Leonila
corona sa inyo,i, isasalin co na.

Itong inyong bahay ilipat sa reino
iabay sa piling nang real palacio,
oo po ang sagot haring magulang co
paua cong susundin pacana po ninyo.

Nang quinabucasan ay noui na sila
sa pinangalingan reino nang España,
manga coroneles at ang mga dama
nangag si hatid ding capara nang una.

Sa lacad na yao,i, casama ri,t, hatid
si Jua t, princesang mag-asauang ibig
sa tulay na pilac ano,i, nang sumapit
nangag paalaman toua,i, di mumuntic.

Mag asaua naman ni Doña Leonila
sampong coroneles at mga dama,
nangag si pagbalic sa bahay noui na
nang mahating gabi,i, bato ay quinuha.

At hiningi niya na houag maliban
mga coroneles manga damang tanan,
tulay ay gayon din alising paminsan
ganaping madali,t, aquing cahilingan.

Saca itong bahay sampong jardin dito
malipat ngayon din sa Españang reino,
itayo sa piling nang real palacio
maguisnan ng hari at reinang ina co.