Capagca bata na ay itong si Fabio
hanap buhay niya ay pag jujuego,
nang magca asaua,i, siya ring oficio
na pinagcucunan canilang sustento.
Maguing ilang taón yaong pag sasama
matrimoniong mahal nag supling namunga,
nang isang lalaquing quias ay maganda
naguing ngala,i, Juan nang mabinyagan na.
Malaqui ang toua,t, ualang pagcaronan
dito sa cay Juan niyong pag mamahal,
palibhasa,i, uala at iisa lamang
di ibig ni Fabiong bata ay oouang.
Inang si Sofia,i, ualang guinagaua
arao, gabi cundi ang pag-aarugá,
si Fabiong asaua ay palaguing uala
hanap ang sugalan at pagalagala.
Pagsapit nang hapon coui sa bahay
dadaan sa tinda,t, mamimili naman,
madla,t, sarisaring manga cailangan
na cacanin nila sa pag hahapunan.
Doon sa canila cun siya,i, dumating
sa casi,t, esposa ay sisiyasatin,
baca ang anác tang mutyang guiniguilio
pina-iiyac mot, di mo linilingil.
¡Iná co! ang sagot ni Sofia naman
uala acong gaua cun hindi hauacan,
cahit nag luluto,i, quinacaulayao
sa pangingilag co na baca omouang.