Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/80

This page has been validated.


— 77 —

Cañon sa muralla,i, sinusuhang lahat
sampong artificiong caguila-guilalas,
sa lahat ng calle sa loob ng cuidad
hicap ang musicos sayang ualang lipas.

At nangag viviva ang maraming tauo
sayang ualang humpay sa loob ng reino,
buhayin ng Dios na mahabang tiempo
si Don Juang Tamad hari naming bago.

Sabihin ang husay nang gomobierno na
sa boong España haring bago nila,
grandes consejeros casamang lahat na
ualang pagcaronan ang toua sa canya.

At gayon din naman sa sino,t, alin man
pareho sa canya mahirap mayaman,
castigo ay lagda sa may casalanan
ley nang matouid hindi nasisinsay.

Nang maguing hari na ay nagsabi siya
sa casi,t, esposang reine Leonila,
ang ama,t, ina co,i, inaala-ala
ating ipacaon dito na matira.

Oo anang reina di lalong mabuti
ipacaon mo nga magulang mong casi,
cun dirito sila sa arao at gabi,i,
mayroong titingi,t, magcacalauingi.

Ipinacaon na yaong mag-asaua
ni Fabio,t, Sofia ama,t, ina niya
ano,i, nang dumating toua,i sabihin pa
sa real palacio,i, capisan na nila.