Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/9

This page has been validated.


—6—

Anitong si Fabio na sintang esposo
gayon nga ang aquing ibig guinugusto,
icao ay hindi man macapag trabajo
bata,i, houag lamang pababayaan mo.

Pagcaca umagang macapag almusal
paalis na siya,t, punta sa sugalan,
sa aua ng Dios guinagaling naman
sa touing ooui ay may panalunan.

Lumalaqui naman anác nilang ito
di nag cacaramdam sa aua ni Cristo,
matanto at siya,i, mahal na totoo
ang sugo nang iná,i, hindi asicaso.

Ináng nag mamahal ay di alintana
cahit di sumunod cun utusan niya,
loob ay malinis sa anác na sinta
palibhasa,i, bugtong at iisa isa.

Nang mag cabait na,i, naguing cagauian
umaalis siya sa canilang bahay,
sa manga capoua,i, hindi omaabian
na naquiquilaró sa canino pa man.

Sa capangilagan nang catauan niya
at ang catamara,i, siyang nagdadala,
aalis sa bahay tatanan sa iná
susuot sa pulóng casucala,i, sadyá.

Siya ay gumaua doon nang tahanan
sa puno nang cahoy Betis ang pangalan,
na canyang lininis at siya,i, nag lagay
mga baguing hagting na sadyang hihigan.