kipkip ang mga kamay at nangapapatong ang
mga siko sa mga tuhod (na marahil ay nangakapaninkayad), kung minsa'y nangadidiit ang mga
bisig sa mga tagiliran at nangapapatong ang
mga kamay sa puson ó kun dili ay nangahabalokipkip sa dibdib at ang kamay ay nangapapatong sa mga dakong itaas ng suso.
Nangagsisisamba rin sa araw at buwan (1) gaya ng mga taga Asiria at sa mga hayop at ibon na gaya ng mga taga Egipto. Dito sa katagalugan di umano'y may sinasambang ibong (2) kulay bughaw ó asul na pinanganganlang Bathala na dili iba'tsiyang pangalan ng Dios: at sa uwak na
(1) Aní Gat Rizal ay napagkikilalang may matuid sila sa pagsamba sa araw at buwan, sapagca't anya'y ¿anó't di sasambahin ang sagisag ng cagandahan, ng cawalang hangan at ng pagca Dios? —¿anong bagay sa isipan ng tao ang hihigit pa sa araw tungcol aa casacdalan, sa cabutihan, sa cagandahan at hangang sa máihuhuwad sa cawalang hangan? —Sa buwan naman, anya'y napagmamalas na siyang asawa ng araw, siyang diosa at dahil dito'y sinasamba rin.
(2) Tungcol dito sa ibong bughaw ó asul na binangit ng ibang manunulat na anila'y pinanganganlang Bathala ay walang ganitong culay ani Rizal, cundi dilaw na siyang culyawanó cilyawan, Marahil ani Rizal ay walang ganitong ibon, at cung nagcaroón man ay maitutulad sa agila ni Jupiter, sa pavo real ni Juno, sa calapati ni Venus, o sa iba't ibang ibong kinatha lamang sa isip, ano pa't mğa sagisag na caraniwang paghalintularan sa pagca Dios, ng tanang tao. Ang ibon anyang ito na bughaw ó dilaw ay siya marahil na sagisag ng Dios na Maycapal na pinanganganlang Bathala, at sapagca't hinahamac ng mga misionero ang ano mang di nila sinasampalatayanan ay pinagcamalán nila marahil, Anya:y miagagaya rin naman sa mga Ita't Igulot na cung iya namang iya namang macakita pati, toro, leon, atb, ay hindi malayong ibalita naman ng mga ito sa canilang mga caibigan na ang mga cristiano ay sumasamba sa calapati, sa toro, sa leon at ibp. ayon sa pagcasagisag sa mga yaon.